INIULAT ng Philippine Regulation Commission (PRC) na mahigit sa 2,000 examinees ang nakapasa sa idinaos nilang Certified Public Accountant (CPA) licensure examination nitong Oktubre 2019 at kabilang dito ang anak ni Senador Bong Go.
Ayon sa PRC, nanguna sa pagsusulit si Justine Louie Bautista Santiago, na nagtapos sa University of Santo Tomas (UST), at nakakuha ng gradong 90.33% habang pumangalawa naman si Marlou Borbon Alinsonorin ng University of San Carlos (89.67%).
Nakopo naman ng anak ni Sen. Bong Go, na si Christian Lawrence Cruz Go ng De La Salle University-Manila ang ikatlong puwesto sa puntong 89.50%.
Nabatid na si Go ay nagtapos bilang summa cum laude, isang gold medalist at kabilang sa Jose Rizal Society ng kanilang unibersidad.
Pasok din sa Top 10 sina Kirk Morales Saromines of USC (89.30%); Ronald Allan Alvarez Macasero of University of Caloocan City (89.17%); Mark Caesar Brozas Rosales of University of Eastern Philippines-Catarman: (89.17%); Marc Angelo Galvez Santos of UST (89.17%); Raphael Don Almazan Tantan of University of the Philippines-Diliman (89.17%); Bill Julius Lagman Ocampo of UST (89.00%); Marian Princess Apante Sacriz of Polytechnic University of the Philippines – Main Sta. Mesa (87.83%); Carlos Benedict Fajardo Echevarria of DLSU-Manila (87.67%); Samantha Mae Colon Mendoza of USC (87.67%); Alyssa Nicole Dela Cruz Rosario of UST (87.50%); Khristeen Eve Austria Debolgado of University of the Philippines -Visayas-Iloilo City (87.33%); Lovel Alegre Dulay of UST (87.33%); Jhudge Perez Salaya ng UST (87.33%); at Victorina Leonila Mae Palo Santos of Holy Angel University (87.33%).
Nabatid na kabuuang 14,492 ang kumuha ng naturang board exam ngunit 2,705 lamang sa kanila ang nakapasa.
Ayon sa PRC, iaanunsiyo na lamang nila sa mga susunod na araw ang petsa at lugar na pagdarausan ng oath-taking ceremonies ng naturang mga bagong CPA.ANA ROSARIO HERNANDEZ