Anak ni Sharon at Kiko Pangilinan, nakatikim ng bira

Binira ang anak nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan dahil sa mga opinion nito tungkol sa politika at iba pang suliranin na kinahaharap ng bansa.

Sa pamamagitan ng social media ay inihahayag ni Frankie ang kanyang saloobin o opinion sa mga nangyayari sa lipunan. Sa social media niya rin inihahayag ang kanyang pamumuna laban sa kasalukuyang administrasyon na hindi nakaligtas sa mga kritiko, sinabihan siyang “political pawn” at sinabihang walang career at kung ano-ano pang personal na pang-aatake.

Nitong nakaraang Biyernes ay magkakasunod nga ang post ni Frankie sa social media.
Tila ‘di na natiis ni Frankie at umalma na ang dalaga sa mga post sa social media na naglalaman ng pang-aalipusta laban sa kanya.

Sinabi ni Frankie na hindi siya political pawn o nagpapagamit sa politika, kundi inihahayag lamang niya ang kanyang sariling pananaw tungkol dito.

Binatikos siya ng kritiko dahil kilala rin ang kanyang amang senador na kasalukuyang chairman ng Liberal Party na isa sa mga kritiko ng administrasyong Duterte.

Nagpaliwanag nga ang dalaga gamit ang social media para sagutin ang mga pang-aalipusta ng kritiko sa kanya.

“I keep getting sent this one ridiculously hurtful post so lemme just say this. i’ve just turned 20.
“i’m supposed to be in school right now but that’s been put on hold due to the pandemic.“if i don’t have a ‘career’ or i’m ‘unsuccessful’ maybe that’s because i’m not even 100% focused on work yet,” sagot ni Frankie sa kanyang kritiko.

Sa isang university sa New York, USA nag-aaral si Frankie at dahil nga sa pandemya ay kinailangan nitong huminto sa pag-aaral.

At habang bakasyon ang dalaga ay nag-focus siya sa pagsusulat at kanta.

“I’ve been able to finally focus on writing and music in this weird transitional period, which is great, because that’s actually what i want to do for the rest of my life.” Sabi ni Frankie.

At ito naman ang kanyang mensahe sa kanyang mga kritiko, “but if i haven’t met ur professional expectations maybe they’re just too high“i’m not a politician and i never ever said i wanted to be one. in fact i keep reiterating the opposite every chance i get.

“And it’s ridiculous, because people should be allowed to care about and love their country without being tagged as a political pawn ????” exact post ng dalaga.

Para naman sa mga minamalit ang kanyang talento ay ito ang kanyang mensahe.

“Also before you attack my voice or my writing — have u actually heard me sing??? have u actually read my stuff??? no???? then kindly shut up before u ruin what i love most in the world ty” matapang na sagot ni Frankie. ANGELO BAINO

Comments are closed.