ANAK NI SUNSHINE CRUZ AT CESAR MONTANO RECORDING ARTIST NA

NAGDADALAGA na ang panganay na anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano, na may singing ratsadacareer na ngayon at may screen name na Angelina Cruz.  Hindi naman nakapagtataka na magustuhan ng Universal Records ang nasabing bagets para i-kontrata bilang baguhang singer, dahil pareho namang may talent sa pagkanta sina Shine at Buboy.

Hindi naman nagwo-worry si Sunshine na baka makasira sa pag-aaral ni Angelina ang singing career nito.  “Iyon naman ang usapan namin.  Na kung ganyan at kumakanta na rin siya ay ‘wag naman ma­ging sagabal iyon sa studies niya.  Alam na rin ‘yon ng Universal Records at ng kanyang talent manager na si Arnold Vegafria,” paliwanag ng aktres.

Nakahanda na ang isip ni Sunshine kung sakali’t ligawan na ng mga kalalakihan si Angelina.  “Pero salamat na lang.  Dahil sa ngayon ay wala pa namang sinasabi ang anak ko.  Honest naman ang anak ko.  Magsasabi naman ‘yon kung meron na,” masayang tsika ng ex-wife ni Cesar.

Niliwanag din ni Sunshine, na ‘yong lalabasan niyang bagong teleserye sa GMA7 na dating “Karibal Ko Ang Aking Ina” ay napalitan na ng title, at naging “Kapag Nahati Ang Puso” na.  Iba rin daw ang kuwento nito kompara sa lumang pelikula na pinagbidahan ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz.

LIZA SOBERANO ‘DI TAKOT SA KOMPETISYON

MAGAAN lang naman ang pagdadala ni Liza Soberano sa kanyang showbiz career.  Baguhan pa lang din naman siyang maituturing sa movie in-dustry.  Kaya para sa kanya ay hindi pa siya hihinto para mag-grow bilang artista.  Hindi naman siya takot sa kompetisyon ng kasikatan sa showbiz. Pero marami pa siyang gustong patunayan.

Hindi nape-pressure si Liza, na sa ayaw man at sa gusto niya ay pinagsasabong ang kasikatan nila nina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre at Julia Barretto na mga pambato sa kasikatan ngayon ng Kapamilya network. The more, the merrier daw.  Iyon ang katuwiran ng magandang young actress.  Dahil pare-pareho naman silang nabibigyan ng importansiya sa ABS-CBN at Star Cinema.

Hataw naman talaga sa ngayon ang career ni Liza.  Gabi-gabi siyang napapanood sa teleserye nila ni Enrique Gil. Inaabangan ang kanyang “Darna” movie, at bilang mabentang product endorser ay naglalakihang kompaya ng mga produkto ang kumukuha sa kanya para gawin siyang model.  Oh, hah!

ATTY. FERDIE TOPACIO KUWELANG MAGDALA NG GALIT

ATTY-FERDIE-TOPACIOLAGING maraming kuwento at magiliw sa mga manunulat sa showbiz si Attorney Ferdinand Topacio, kaya naman hindi naiilang ang mga kapatid sa panulat na lumapit at makipagtsikahan sa kanya.  Alam kasi ni Atty. Topacio na magaan at masayang kasama ang mga taga-showbiz. Hindi pilit ang kanyang pakikipagkaibigan, dahil marami na talaga siyang mga kakilala sa field na ito.

Marami ang humahanga sa lalo pang pagsikat ng pangalan ni Atty. Topacio, ito ay dahil na rin sa rami ng kontrobersiyal at naglalakihang kaso sa showbiz at sa buong Fili­pinas na kanyang hinahawakan sa ngayon.  Nitong huli, siya ang may hawak ng kaso para ipagtanggol ang panig ng tinaguriang Lord of Scents at business man sa likod ng matagumpay nitong produktong Aficionado.

Kuwela magdala ng galit si Atty. Topacio.  Kapag siya ay galit sa isyung tinatalakay at binibigyang-diin ay matapang siyang talaga.  Pero kapag nilapitan siya at mahinahong ki­nausap ay mabilis mawala ang kanyang galit, kapag biglang ibang tao na ang kanyang kausap at ibang isyu na ang pumalit na topic.  Nakaaaliw.

4 thoughts on “ANAK NI SUNSHINE CRUZ AT CESAR MONTANO RECORDING ARTIST NA”

  1. 298893 899226Youre so cool! I dont suppose Ive learn something like this before. So nice to search out any person with some distinctive thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this web website is one thing thats required on the net, someone with a bit of originality. valuable job for bringing something new towards the internet! 765546

Comments are closed.