MASAYANG ibinida ni Marian Rivera ang latest participation ng daughter niyang si Zia sa latest TV commercial ng WalterMart, I Love WalterMart, kung saan si Zia ay enjoy sa shooting ng commercial para sa WalterMart Supermarket. Second year na si Marian bilang celebrity endorser ng store.
Isang sabi lang ni Marian kay Zia sa commercial shoot, payag agad. Bukod pa rito, si Zia lang ang makagaganap ng nararapat sa commercial dahil anak siya ng GMA Primetime Queen, Marian at Dingdong Dantes.
Ginagawa ng mag-asawa na maging at ease ang bata sa harap ng camera. Walang pressure dahil parang naglalaro lang.
Bukod dito hilig na ng bata na umarte at magpakuha ng litrato. Kumakanta rin kasama ng amang si Dingdong. Bibo ang bata dahil manang-mana sa kanyang mga magulang.
Sabi ng manager ni Marian na si Rams David, tamang-tama ang mag-ina sa commercial. Idea ni Rams na dapat ang mag-ina lalabas dito.
Mag-asawang Pepito at Elsa, walang Valentine’s Date!
Laking pagtataka ni Vincent (John Feir) kung bakit ang mag-asawang Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) ay walang Valentine’s Date. Very bongga dati kung mag-date ang Manaloto couple tuwing Valentine’s Date.
Nag-isip ng ‘di maganda si Vincent sa mag-asawa na may marital problem. Totoo kaya ito?
Samantala, may problema rin si Chito (Jake Vargas)
sa makaka-date sa Valentine’s Day. May sinasabi ang mother na si Elsa na babaing makaka-date. Samantala, si Roxy rin at may nakuhang makaka-date si Chito. Lito si Chito ngayon.
Ilan lang sa nakaka-intrigang tagpo sa episode sa makatotohang buhay pampamilya sa no. 1 comedy show tuwing Saturday night, Pepito Manaloto.
Comments are closed.