ANAK PATAY,INA MALUBHA SA TAGA NG KINAKASAMA

CAPIZ-DEAD on arrival sa pagamutan ang isang dalagita habang malubha naman ang ina nito nang pagtatagain ng kinakasama nito sa bayan ng Sigma sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Sigma Municipal Police Station ang nasawi na si Gee Dee Bless Avelino,16-anyos habang nilalapatan pa ng lunas ang inang si Adalia, 59-anyos, kapwa naninirahan sa Barangay Mianay ng nasabing bayan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Sigma MPS, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nina Adalia at suspek nang umuwing lasing.

At upang makaiwas sa gulo, umalis umano sa bahay ang mag-ina subalit sinundan sila ng suspek na armado ng itak.

Nang abutan ang mga biktima ay walang habas na pinagtataga ng suspek.

Target ngayon ng manhunt operation ang suspek na agad na tumakas matapos ang krimen.
VERLIN RUIZ

3 thoughts on “ANAK PATAY,INA MALUBHA SA TAGA NG KINAKASAMA”

  1. 660918 274051Hi. Cool post. There is actually a dilemma with the internet website in firefox, and you might want to test this The browser may be the marketplace leader and a huge portion of folks will miss your outstanding writing due to this problem. 479990

Comments are closed.