(Anak pinangalanang “Sky”) GINANG NANGANAK SA HIMPA-PAWID

nanganak

ISABELA – Hindi inaasahan ang panganganak ng isang ginang habang nasa himpapawid ang sinasak­yang island plane mula coastal town ng Divilacan, Isabela at lumapag sa Cauayan City Airport.

Ang nanganak ay si Mrs. Shirley Obias, 33-anyos, residente ng Dilakit, Divilacan, Isabela.

Ayon kay Mr. Eugenio Guillermo, team leader ng Rescue 922 na nakatanggap sila ng tawag mula sa Cyclone Airways na may nanganak sa loob ng isa nilang island plane.

Sa kanilang pagtugon ay nakita nila ang ipinanganak ni Gng. Obias na malusog na baby girl at pinangalanang Sky.

Ang baby girl ay ikapitong anak na ni Ginang Obias.

Noong sumakay si Ginang ­Obias sa eroplano sa Divilacan ay wala naman siyang anumang nararamdaman bagamat alam niyang kabuwanan na niya.

Noong nasa himpapawid na ang eroplano ay nagsimula nang mag-labor ang ginang na tinulungan ng mga crew at mga pasahero.

Matapos lumapag ang eroplano ay pinagtulungang asikasuhin ng mga kawani ng Rescue 922 bago dinala sa Cauayan District Hospital (CDH). REY VELASCO

Comments are closed.