ANAK PINUGUTAN NG AMA; ‘ASWANG’ NA INA PINATAY NG ANAK

DALAWA katao ang nasawi sa magkahiwalay na lugar nitong nakalipas na Pasko sa kamay ng kanilang mahal sa buhay dahil sa hindi wastong pag-iisip sa Agusan del Norte at Albay.

Mismong araw ng Pasko ginilitan at pinugutan ng suspek na kinilalang si William Pableo Bicong, isang karpintero na umano’y may diperensya sa pag-iisip ang sariling anak sa Purok 1, Malpoc,Buenavista, Agusan del Norte.

Sa salaysay ni Remelyn Bicong, ina ng siyam na taong gulang na biktima, nagmamadali siyang umuwi sa kanilang lugar mula sa Cagayan de Oro City matapos magbanta ang asawa na papatayin ang kanilang mga anak.

Subalit wala nang buhay nang abutan ng ina ang kanyang anak na babae na may “special needs”.

Narekober sa posisyon ng suspek ang mahaba at matalim na itak na ginamit sa pagpugot s anak na ginamit nito para tagain din ang sarili pagkatapos ng krimen.

Samantala sa Barangay Ligban, Camalig, Albay, ay magpagkamalan naman ng isang may sayad na aswang ang kanyang ina kaya pinatay niya ito.

Basag ang bungo sanhi ng paghataw ng kahoy ang biktimang si Leticia Miranda, 60-anyos, habang ang suspek ay mismong panganay na anak nito na si Zaldy, 31-anyos ay dinakip sa itaas ng isang punong kahoy.

Sa report, na ipinarating sa PNP-PRO5 sadayang nakahiwalay ng tinitirhan ang suspoek dahil sa karamdaman nito sa pag iisip subalit dahil pasko ay nagpoasya ang pamiliya nito namagsama sama sila pansamantala at matulog sa iisang bubong.

Kinabukasan, maagang nagising ang pamilya sa nag-aamok na si Zaldy na inaaway ang dalawang nakababatang kapatid na babae kaya inilayo ang mga ito at dinala sa barngay.

Samantala, naiwan naman ang biktima na siyang pinagbalingan ng suspek na tangkain siyang payapain ng ina.

Naitakbo sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival habang napasiko rin ang suspek ng mga otoridad habang sinasabing pinaslang ang ina dahil isa raw itong aswang”. VERLIN RUIZ