ANAKALUSUGAN NO. 5 SA LUZON PARTYLIST SURVEY

ANAKALUSUGAN

PASOK ang party-list group na ANAKALUSU­GAN sa top ten sa isinagawang partylist survey sa lahat ng lalawigan sa buong Luzon ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDINC) na inilabas kahapon.

Ang ANAKALUSUGAN (mula sa ALAGAAN NATIN ATING KALUSUGAN) ang nag-iisa at natatanging partylist group na tumakbo para sa darating na midterm elections na nagsusulong ng adbokasiya ukol sa kalusugan ng bawat mamamayang Filipino at kinakatawan ni dating Sec. Mike Defensor.

Sa non-commissioned survey na may 8,000 respondents, at isinagawa mula Abril 22, hanggang 27, lumitaw na 2.6% ng mga botante, nag nagsasabing boboto sila sa nasabing grupo, kumpara sa 134 grupo na kalaban nila sa eleksiyon.  Ang naturang ratings ng ANAKALUSUGAN ay katumbas ng 790,862 or 2.6% sa 3,4017,790 Luzon island voters.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, ng RP- Mission and Development Foundation Inc., nagustuhan ng botante ang kanilang ad-bokasiya ukol sa kalusugan.

Sa naturang survey, nasa unang puwesto ang Ako Bicol Political Party, na may 12.4%, sumunod ang Gabriela Women’s Party ( 9.6%); Buhay Hayaan Yumabong (6.3%); at Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) (5.5%).