ANCAJAS NAPANATILI ANG IBF JR BANTAMWEIGHT TITLE

ANCAJAS

NAGTALA si Filipino champion Jerwin Ancajas ng impresibong panalo laban kay mandatory challenger Ryuichi Funai ng Japan upang mapanatili ang IBF junior bantamweight belt sa Stockton Arena, sa Stockton, California kahapon.

Niyanig ni Ancajas si Funai ng magkakasunod na malalakas na right hooks at left straights, lalo na sa round 4 at 6.

Sa seventh round, nagpasiya ang ringside physician na hindi na kaya ni Funai na ipagpatuloy ang laban, at ibinigay ang panalo kay Ancajas.

“Sa lahat ng Filipino dito (in Stockton), maraming-maraming salamat po. Isa po sila sa dahilan kung bakit ganito ang lakas ko, sa suporta nila,” anang Pinoy boxer.

Sa panalo ay uma­ngat si Ancajas sa 31-1-2 record kung saan 21 rito ay knockouts.

Ito na ang ika-7 beses na naidepensa ni Ancajas ang kanyang titulo.

Bumagsak naman si Funai sa 31-8.