ANCESTRAL HOUSE NASUNOG SA SOUTH COTABATO

bala nasunog

NAGPAPATULOY ang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa sunog sa isang ancestral house sa bayan ng Norala, South Cotabato.

Sinabi ni Bureau of Fire Protection (BFP)-Norala Fire Inspector Richard Madayag, ang ancestral house na nasunog ay matatag­puan sa Purok Merkado, Brgy. Poblacion sa nasabing bayan na nag­resulta sa pagkamatay ng biktimang si Angel Fano, 43-anyos matapos na bumalik ito sa nasusunog na bahay sa pag-aakalang may naiwan pang tao sa loob.

Samantala, sugatan naman ang lima pang biktima na kinilalang sina Amador Fano, 82, may-ari ng nasabing ancestral house, Cherry Ann Fano Matuay, Julie Rey Matuay, Joharie Marie Fano, 6 at Jocelle Rey Fano Matuay, 4.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na nagsimula umano ang sunog sa kisame ng 60- taong bahay at agad na kumalat ang apoy dahil halos gawa ito sa light materials.

Tinatayang nasa P300,000 ang inisyal na danyos ng nasabing sunog.

Isa sa mga tinitingnang anggulo sa nasabing sunog ay electrical short circuit dahil posibleng hindi na napalitan pa ang wiring ng koryente sa maha-bang panahon. AIMEE ANOC

Comments are closed.