NAKITAAN ng sapat na ebidensya at testimonya ang Sandiganbayan upang mapatunayang guilty sa kasong katiwalian si dating Datu Unsay, Maguindanao Mayor Datu Andal Ampatuan Jr. bunsod ng maanomalyang pagbili ng gasolina at lubricants na nagkakahalaga ng P22.37 milyon noong 2009.
Sa resolusyon ng Sandiganbayan Fifth Division, ibinasura lamang ang motion for leave of court para maghain ng demurrer to evidence si Ampatuan.
Ang demurrer to evidence ang inihahain na mosyon upang agad mabasura ang kaso dahil sa mahinang ebidensya ng prosekusyon.
Ayon sa korte, walang dahilan upang pagbigyan ang mosyon ni Ampatuan at malamang aniyang mabinbin ang paglilitis sa kaso.
Magugunita na kinasuhan si Andal Ampatuan at ang kanyang kapatid na si Maguindanao Governor Datu Sajid Ampatuan matapos paboran umano ang Shariff Aguak Petron Station para magsuplay ng gasolina at lubricants para sa road at construction projects sa Maguindanao nang hindi dumadaan sa public bidding.
Binigyan diin ng Sandiganbayan na walang bahid ng iregularidad ang ebidensya ng prosekusyon.
Dagdag ng anti-graft court na inaprubahan ng Sandiganbayan ang purchase requests at disbursement vouchers kahit batid nito na pag-aari ng kapatid nito ang nasabing Petron station. TERESA TAVARES
Comments are closed.