SA KAGUSTUHANG maging simple ang buhay ay ibinenta na ni Andi Eigenmann ang kanyang mga ari-arian, mga mamahaling gamit tulad ng designer na damit, sapatos, bags at maging ang kaniyang kotse.
Sabi ni Andi, gusto niyang mamuhay ng simple at masaya sa piling minamahal at nag-iisang anak na si Ellie. Sa titirhan niyang bahay sa Baler ay hindi na raw kailangan ng mga mamahaling gamit.
“I sold everything that I felt was an idea of luxury that I didn’t need. I don’t own a cars. I don’t own any designer clothes at bags.
Lahat nang pang-artistang ‘yan, make-up, lahat ‘yan wala na. Kahit mga kasama sa bahay, yaya at driver lahat ‘yan wala na,” pahayag ni Andi.
Gusto ni Andi sa Baler, Aurora na siya titira at nakahiligan na raw niya ang pagsu-surfing at gusto rin niyang tuparin ang pangarap na maging isang writer.
Sinuportahan naman ng kanyang ina na si Jaclyn Jose ang kagustuhan ng anak na mamuhay ng simple sa probinsiya.
Malaki na raw ang pananaw sa buhay ni Andi at ito ay ikinatutuwa ni Jaclyn.
“She matured a lot. ‘Yung thinking niya, masasabi mo na, you know, she takes care of herself, Ellie and pati environment.
“Mayroon siyang advocacy. She wants to save the beach for that matter, particularly Siargao, Baler,” pagtatapos ng mother dear ni Andi.
KRIS AQUINO ASA NA FRIEND PA SILA NI VICE GANDA
Sinagot ni Kris Aquino sa kanyang pa Q&A sa Instagram ang tanong ng isang netizen kung ano raw ang masasabi niya sa mga comment na dumidikit siya sa hot item at nakiki-ride on para mapag-usapan. “Straight answer – together with a small team of believers, we created KCAP. And now after 53 brand partnerships & endorsements – I believe it is unfair to say I rode on anybody`s coattails,” sagot ni Kris.
Ang hindi lang niya sinagot ang sumunod na tanong kung sino ba talaga ang kanyang best friend at kung bakit ‘di na sila okey ni Ai Ai delas Alas.
Kung “I hope so” ang naging sagot ni Kris sa tanong kung friends pa rin sila ni Vice Ganda. At isang malaking “YES” naman ang naging sagot niya kung magkaibigan pa rin sila ni Boy Abunda.
Sa mga hindi nakakaalam, kahit hindi nag-uusap at nagkakasama sa isang event or gathering sina Kris at Kuya Boy ay nananatiling matibay pa rin ang kanilang pagkakaibigan.
KATRINA HALILI BUMALIK NA SA DATI ANG KATAWANG PINAGPAPANTASYAHAN
LAHAT ng makakita ngayon kay Katrina Halili ay iisa ang sinasabi, bumalik na raw ang dati nitong katawan na pinagpantasyahan noong nagsisimula siya sa showbiz at tanghaling number one bilang Sexiest Woman.
Mababakas mo sa kanyang mukha ang kasiyahan at kuntento sa buhay kahit walang lovelife. Nandiyan pa ang kanyang angel na anak na si Katie na nagpapasaya sa kanya araw-araw.
Si Katie ang dahilan kaya muling sumigla ang kanyang buhay at malampasan ang pinagdaanan na dumurog sa kanyang pagkatao.
Bumalik na muli ang tiwala sa sarili na matagal din nawala at kitang-kita na bumalik na completely ang dati niyang sigla. At malaking factor din ang ibinibigay na suporta sa kanya ng GMA 7 para bumangon sa mga pinagdaanang dagok sa buhay.
Mula noon panahon ng bagyo at hanggang ngayon ay hindi siya pinabayaan ng Kapuso Network. Lagi siyang binibigyan ng project at hindi nabakante.
Isa pa sa hindi matatawaran ay ang pagtulong ni Katrina sa mga nangangailangan. Marunong siyang mag-share ng blessing.
Comments are closed.