ANDI EIGENMANN IPINAKITA SA VLOG ANG SIMPLENG BUHAY SA SIARGAO

SOBRANG happy ni Andi Eigenmann sa unang labas ng kanyang vlog na nakakuhareflection agad ng one million views in just three days.

Caption ni Andi sa kanyang Instagram photo, “We are super grateful! Thank you for all the love for me, @chepoxz and my children. We are even more excited to give you a glimpse of our family and our isla life!”

Plano rin daw niya na i-share ang mga ginagawa niyang simple self-care, health & fitness, and parenting.

“We also hope that through our videos, we are able to inspire others to live a simple, happy, yet most of all, an eco-conscious life!”

Ipinakita sa video ang pinapatayo nilang bahay sa Siargao. Along the road lang siya at may kalakihan din.

Little by little raw ay mabubuo rin ang kanilang lovenest.

Sa kanyang IG account, nag-post si Andi ng piktyur ng tinatayo nilang bahay habang naka-pose sila nina Philmar sa harap nito.

Nakalagay sa caption ng photo, “Living my island dreams have been nothing short of amazing, sharing it with you@chepoxz! Salamat, Kara-jaw. Our dream house is slowly coming together. We are happy and looking forward to sharing it with all of you soon!”

Nakabibilib si Andi sa pag-aalaga niya sa kanyang mga anak. Kahit walang tulog, ‘pag kailangang sunduin o ihatid from Manila to Siargao and vice versa si Ellie, kine-keri niya.

Ang laki-laki talaga ng nagawang pagbabago ng Siargao kay Andi bilang tao and especially as a mom. Mukhang responsible siya at kakayanin niya ang lahat para sa pagmamahal niya sa dalawa niyang anak at kay Philmar.

Sa Siargao, natutunan ni Andi kung paano mamuhay bilang simpleng tao. Ipinakita sa vlog niya ang pagsakay nila ni Ellie at Lilo ng tricycle papunta ng grocery at pag-uwi.

GRUPONG JBK NASA TOP 5 REQUESTED SONGS ANG KANTA

PANALONG-PANALO ang kantang “Anes­tisya” sa netizens na inawit ng grupong JBK. More than 300,000 na kasi ang views ng lyrics video ng”Anestisya” sa YouTube at more than 90,000 views naman sa Facebook.

Bukod dito, nasa Top 5 most requested songs na rin ang “Anestisya” sa halos lahat ng radio stations sa bansa. Nominated din ang JBK sa Most Favorite Pop Boy Group of the Year ng Pop Awards 2019 para sa nasabing kanta.

Six years na sa music industry ang JBK na binubuo nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio. And last year, naging mabunga ang kanilang patience to achieve their dream as singers.

Nagsimulang umi­ngay ang grupo nang sumali sila sa X Factor UK kung saan pinag-usapan ng bonggang-bongga ang pagwo-walkout ni Nicole Scherzinger, na isa sa mga judge. Gustong-gusto kasi niya ang JBK pero ibang grupo ang piniling winner ng kapwa huradong si Simon Cow-ell.

“Umiyak kami after the announcement pero hindi na yata ipinakita sa TV. Ang daming nangyari noon, like, ‘yung kanta namin, pangatlong kanta na ‘yun. Nagkaubusan na ng kanta. At ibinigay na namin lahat, pero sabi nila…overwhelmed kami dahil first time namin. Hindi namin in-expect ‘yung pressure. Halo-halo na, umiyak din kami sa backstage,” pahayag ni Joshua.

Lahad naman ni Bryan, “Yung experience namin sa X Factor UK made us realize na dapat i-push namin ang paggawa ng mas maraming original songs tulad ng mga inspirasyon namin ngayon like Ben&Ben, IV of Spades, pati yung mga OPM icons like Apo Hiking Society and other successful groups.”

Ang “Anestisya” ay kinompose ng entertainment editor na si Jojo Panaligan and produced by RiderPH Studios.

At habang humahataw ang “Anestisya”, may tatlo pang original songs na ire-record ang JBK.

“Before the year ends, we’re going to record three new songs na sinulat namin. Bukod diyan, may hinahanda kaming regalo sa lahat ng supporters ng JBK na medyo sexy talaga,” diin pa ng JBK.

Comments are closed.