Para kay Andi Eigenmann, ang asawa niyang si Philmar Alipayo ang pinakamatandang taong nakilala niya — hindi sa pera kundi sa dami ng kaibigan at sa paraisong tinirahan nila ngayon, ang Siargao.
Kahit noong nabubuhay pa umano ang kanyang inang si Jaclyn Jose ay alam niyang satisfied ito sa naging desisyon niyang mamalagi sa Siargao kahit malayo ito sa Kamaynilaan, dahil nakita nito kung gaano siya kasaya sa piling ng kanyang asawa.
Maliit lamang umano ang kanilang negosyo, at natural ding hindi kalakihan ang kanilang kita, ngunit sapat umano ito sa pangangailangan ng kanilang pamilya, at meron pang konting extra — bukod pa sa nag-e-enjoy sila sa araw-araw na buhay.
Tinutupad ni Andi ang kanyang mga pangarap sa napakagandang isla ng Siargao! Siya at si Philmar ay nagbukas ng business venture na isang surf club at cafe na tinawag nilang Happy Islanders Surf Club. Magkatulong nila itong pinatatakbo, kung saan minsan, tumutulong din ang kanilang mga anak kapag wala silang pasok sa iskwelahan.
Ani Andi, “Those who know me well [know] how deep I dove into the whole science of nutrition when I first went on this healthful journey.”
Nutritious at delicious daw ang menu nila at ito ang kanilang selling point.
“I love coming up with new ideas to present nutrient-dense meals in an exciting and yummy way,” sabi pa niya. “I managed to build a great menu for you all, and I hope you’ll love it!”
At salamat din umano sa mister niyang si Philmar dahil full support ito sa kanya at ito pa mga ang nagtutulak sa kanyang ipagpatuloy ang kanyang business.
“Thanks soo much mahal for this push. Wouldn’t have done it without your trust in me. Literally!” sabi pa ni Andi.
Hindi lamang daw physical shop and surf school ang kanilang negosyo. Nagsi-serve din sila ng nourishing food and drinks.
Maliit na negosyo pero masaya.
“Kahit wala kaming pera.. basta masaya ka sa buhay na meron ka,” pagtatapos ni Andi.
Nenet Villafania