YES, may bagong boyfriend si Andi Eigenmann na isang maskuladong morenong lalaki na taga Baler, Aurora kung hindi kami nagkakamali.
Last June lamang nakipagkalas si Andi sa boyfriend na si Emilio Arambulo at kamakailan naman ay may ipinost ang isang netizen sa kanyang Instagram account na may kayakap si Andi na isang maskuladong guy.
Ang non-showbiz guy ay isa raw surfer na nakilala ni Andi sa Siargao. Kung pagbabasehan ang matatamis na ngiti ni Andi sa larawan habang kayakap ang guy ay walang duda na masaya ito sa bago niyang surfer boyfriend.
Siguro kaya nagkaroon ng interest sa isa`t isa ang dalawa ay dahil pareho nilang hilig ang sport na surfing.
Sa ngayon, matapos ibenta ni Andi ang ilan niyang mga gamit tulad ng mga mamahaling damit, sapatos, mga designer bags, pieces of jewelry at pati na ang kanyang sasakyan dahil sa kagustuhang maging simple na lang ang buhay, ay sa Baler, Aurora na ito halos nakatira. At doon na rin natutong mag-surfing ang sexy actress.
Would you believe sa kagustuhang mamuhay na ordinaryo ay nagko-commute via bus si Andi mula Baler to Manila and vice versa.
Marami ang nanghihinayang kay Andi kung tuluyan na nitong tatalikuran ang showbiz. At sana ay makakita siya ng tunay na lalaking magmamahal talaga sa kanya at ‘di dahil siya ay sikat na artista at sariwa pa.
SAM PINTO MATAMLAY NA ANG SHOWBIZ CAREER
MARAMI ang nanghihinayang sa pagtamlay ng showbiz career ni Sam Pinto. Dati ay napapanood pa siya sa Bubble Gang kasama ang kaibigan niyang si Ellen Adarna. Pero nang mawala si Ellen sa BG ay unti-unti na rin naging madalang ang paglabas ni Sam sa longest running gag show sa telebisyon na napapanood every Friday sa GMA 7.
Anyway, isa si Sam sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Ito ay pinatunayan ni Sam sa madalas niyang pagpo-post sa Instagram ng mga sexy pose.
Makikita sa latest post ni Sam ang magandang hubog ng kanyang katawan na mistulang halaman na ngayon pa lang namumulaklak.
Hindi kami magtataka kung hanggang ngayon ay marami pa rin ang naghahangad na masilayan ang kaseksihan ni Sam na kahit sinong lalaki ay mabibighani sa kanyang alindog.
Kung sabagay kahit hindi na mag-showbiz si Sam ay mabubuhay ng marangya dahil isa na siyang successful beach resort owner-model entrepreneur.
Natatandaan namin nang makausap ko si Sam at tanungin kung ano ba ang type niya sa isang lalaki.
Walang kagatol-gatol na sabi ni Sam ay ayaw niya sa lalaki na torpe. Gusto niya ‘yung agresibo at wala nang kiyeme kung may gusto ay sabihin agad.
Comments are closed.