NILINAW ni Andi Eigenmann na kilala ni Philmar Alipayo ang airline company na nag-volunteer na magdala ng relief sa Siargao, at nasasaktan sila sa mga akusasyong ibinulsa ng kanyang fiancé ang perang nakaap nila.
Ani Andi, may sariling pera si Philmar at ito mismo ay nagbigay ng donasyon para sa kanilang lugar. Aniya, kahit saang anggulo ay hindi magagawa ng kanyang fiancé na nakawin ang perang para sa mga biktima ng Super Typhoon Odette victims sa Siargao.
Nang bumalik umano sila sa Siargao mula sa Batangas kung saan sila dumalo sa isang kasalan, may mga dala silang relief goods para sa mga nasalanta at mayroon din naman para sa kanilang pamilya at kasama sa bahay.
“It is very sad to know that he is being accused of stealing donations when he even specifically ignored his chance to use his platform to ask for them, since he’s more than willing to use his own money just to help our community out,” sabi pa ni Andi.
Hindi man binanggit ni Andi kung sino ang nag-akusa ng pagnanakaw kay Philmar, mariin niya itong itinanggi. Dagdag pa niya, simpleng tao lamang si Philmar ngunit mayroon itong financial means para makatulong sa mga biktima ng bagyo sa Siargao. Sabi pa niya, nakakasakit ng damdaming sa kabila ng pagpupursigi nilang makatulong, napapagbintangan pa sila ng pagnanakaw.
“My fiance has his own money to spend because he works to earn it,” sabi pa ni Andi. “Now with some, he is still the same simple man who doesn’t really need much. Just for his kids to have a good life. Which is why it isn’t hard for him to share his blessings to HIS HOME.”
Gayunman, sanay daw si Philmar sa pagharap sa problema kaya hindi ito masyadong apektado. Mas apektado pa nga raw siya kesa dito.
Bago raw ito umalis, siniguro ni Philmar sa kanya na okay lang siya. Sinabi pa raw nito sa kanya na huwag siyang mag-alala dahil sanay sila (Andi, Philmar at mga anak) sa simpleng buhay kaya kahit ano ang ibato sa kanila ay kakayanin nila.
Sa ngayon, sira ang bubong ng kanilang bahay na gawa sa pawid ngunit liban doon ay wala na silang iba pang ipapagawa.
Matibay umano ang concrete base ng bahay nina Andi at Philmar sa Siargao.
Gayunman, lubhang napinsala ang mga bahay ng karamihan sa kanilang mga kapitbahay pati na ang kanillang mga kabuhayan, at ito ang sinisikap ngayon ng mag-asawang matulungan sa abot ng kanilang makakaya. – KAYE NEBRE MARTIN