ANDRE PARAS AT ASHLEY ORTEGA NADADALAS ANG PAGKIKITA SA MEGAMALL SKATING RINK

OKAY palang kausap si Andre Paras, sabi sa amin ng mother ni Ashley Ortega. Alam ba ninyong ‘pagshowbiz talk sinabi ni Andre na  2:30 pm siya darating para samahan si  Ashley sa pagti-training sa SM Megamall Ice Skating Rink, eksaktong 2:30 pm ay nandoon na siya.

Nagsimulang sumama si Andre kay Ashley nang lumaban si Ashley sa Skate Philippines Summer Championships 2018 na ginanap sa SM International Skating Rink—Mall of Asia nu’ng Mayo 29, 2018. Apat na awards ang nauwi ni Ashley: 3 golds at trophy for special award.

Balita namin, buhat nang pumunta si Andre sa competition sa Ice skating ni Ashley, nagiging close na ang dalawa. Basta libre si Andre sa taping schedule niya at walang showbiz commitments,  ibig niyang samahan si Ashley. Lalo na kapag may training ang young actress sa ice skating. Target ni Ashley na mapasama sa team na magko-compete sa Thailand sa Nobyembre 2018.

Balik-international competition si Ashley after six years na nagpahinga sa ice skating para sa showbiz career. Naging representative na si Ashley noong teens age niya ng Filipinas sa skating competition sa Singapore, Hong Kong, Malaysia at iba pa.

Madalas ngayong mapanood si Ashley sa Unang Hirit.

JAPAN-BASED SINGER EMMA CORDERO WALA PA RING KUPAS,

NAG-CELEBRATE NG 35 YEARS BILANG SINGER-PERFORMER

EMMA CORDEROMASIGABONG palakpakan ang ibinigay  kay Emma Cordero sa kanyang birthday concert at 35 years in showbiz na ginanap last Friday night sa Ka Freddie’s Music Bar, #120 Tomas Morato Ave, Quezon City. Walang pagbabago ang magandang boses ni Emma  at masarap pakinggan ang kanyang malamig na boses.

First time ginawa ni Emma ang mag-celebrate ng  kanyang birthday ng almost one month. Bago siya umalis ng Japan, nagkaroon din siya roon ng series of  birthday concerts. Dedicated niya ang lahat ng concert niya sa kanyang mga tinutulungang kabataan,.

Birthday   wish ni Emma na lumaki ang school niyang  Our Lady of Fatima School in San Pedro, Laguna. Nasa school niya ang mga scholar niya na simula sa nursery to high school. Gusto niyang someday ay magkaroon na rin ng college sa school niya.

Sa pangarap ni Emma na mapalawak ang school na itinatag niya. Tumutulong ang foundation niyang Voice Of An Angel Foundation sa charity works niya.

Ani Emma: “Magtulungan lang para sa akin. Walang mahirap at walang mayaman. Kaya ako nagko-concert kahit ako may sakit,  sumasaya ako dahil marami akong napasasaya. Napasasaya ko ang mga nakikinig sa akin. May funds naman ako para tumulong sa iba. Tulad ng mga scho­lar ko sa school ko.

Lahat tayo’y nagkakasakit. Mataas lagnat ko, kumakanta ako. Sumasaya ako kapag napasasaya ko ang iba. Balewala ang sakit kapag nagwo-work ako.

Kung nagpapakasaya ako sa sarili ko, gusto kong tumulong sa ibang tao.”

Sa maikling panahon ni Emma sa Filipinas, gusto niyang sundin ang kanyang busy schedules na punong-puno ng activities para sa kanyang foundation.

Ayon kay Emma, ang busy schedule niya ang mga sumusunod: Pupunta si Emma sa USA sa Hun­yo 27-28 dahil may show at fund-raising  for the construction  of Filipino Cultural Center sa LA.  Sa Hunyo 29, may flight sa Las Vegas si Emma, ang Asia’s Princess of Songs and First Woman of the Universe,  para sa Lions Clubs International  Convention.

Nanatili sa mga hotel sa Las Vegas si Emma dahil may show siya sa mga kababayan natin sa Nevada. May show sa ibang venue roon sa Hulyo 3, 4, 6 at sa Hulyo 8 ang balik niya sa Japan.

Comments are closed.