ANDREA BRILLANTES POSITIVE SA COVID-19 AT TAKOT SA MULTO

Nababagot ang batang aktres na si Andrea Brillantes dahil sa pagkakaroon ng insomnia at anxiety habang nakikipaglaban siya sa COVID-19.

Ani Andrea, asymptomatic siya pero naka-quarantine pa rin para hindi makahawa. Ayon sa isa sa mga bida ng “Huwag Kang Mangamba,” inuubos niya ang kanyang panahon sa pagbabasa, araw man o gabi.

“Ang pinakamahirap po kasi para sa akin, I have insomnia and anxiety. Sa araw sobrang kaya ko naman lahat. Ginawa ko lang, I just read books. Pagda­ting po ng gabi, doon po ako nahihirapan,” ani Brillantes. “Hirap po ko makatulog. Ngayon po, to be honest, takot ako mag-isa. Lapitin po kasi ako ng multo.”

Matagal-tagal na rin umano ang kanyang insomnia dahil nagbago ang kanyang body clock noong batang bata pa siya nang pumasok siya sa entertainment industry. Lagi raw siyang binabangungot at nagkakaroon pa ng sleep paralysis kaya nagkaroon siya ng takot na matulog. Nag-aalala raw kasi siyang atakihin siya ng sakit sa puso at hindi na magising. Kumunsulta raw naman siya sa duktor ukol dito pero nanatiling ganoon pa rin siya. Pero gusto pa rin niyang ipakitang kaya niyang mag-isa.

****

 ‘Tagpuan’ wagi sa Romania fest

Muling magmamalaki ang mga Filipino matapos Manalo ng best picture ang pelikulang ‘Tagpuan’ ni director Mac Alejandre, sa katatapos na Wallachia International Film Festival in Romania.

Bida rito sina Iza Calzado, Shaina Magdayao at Alfred Vargas. Ang pelikulang nag-premiere sa  2020 Metro Manila Film Festival, ay wagi bilang feature film sa 6th Chauri Chaura International Film Festival sa Uttar Pradesh, India. Wagi ring best director si Alejandre sa 2nd Samskara International Film Festival, sa India rin.

Sa kabila nito, sinabi ni Alejandre na nasorpresa pa rin siya nang kilalanin sila sa Wallachia fest, na may maganda ring reputasyon sa pelikula. Dagdag pa niya, marami pang festivals ang nakatakda nilang salihan.

“Masaya ang paglalakbay ng ‘Tagpuan,’” aniya. “Kahit bago pa ang International festival run ng pelikula, masaya na kami dahil pakiramdam naming, accomplished na kami sa paggawa ng pelikulang tama sa aming panlasa.” Bonus na lamag daw ang mga awards, kaya nagpapasalamat sila ng husto. Dagdag pa ni Alejandre, “I remember Alfred once told me, ‘Let’s make a film that you really believe in and will make you feel happy. Because if you believe in it and you’re happy with it, it will surely be a movie that you can be proud of.’”

Binigyang diin ng direktor ang kahalagahan ng patuloy na pag­likha ng mga stories na nagpapakita kung ano talaga tayong mga Filipino, at ipakita ito sa buong mundo kung may pagkakataon. – KAYE NEBRE MARTIN

3 thoughts on “ANDREA BRILLANTES POSITIVE SA COVID-19 AT TAKOT SA MULTO”

  1. Blood will be taken as soon as the patient arrives at Nuclear Medicine, where they will tag attach Ceretec to the white blood cells cialis from india 71 of the patients when ondansetron was administered as a syrup at a dose of 8 mg 2 4 mg dexamethasone p

Comments are closed.