ANDREA BRILLANTES YOUNGEST CEO NG BANSA

Keribels mo yon? Hindi lang maganda at mahusay umarte si Andrea Brillantes. Idag­dag natin ngayon sa mga katangian niya ang pagiging pinakabatang Chief Executive Officer (CEO) ng sarili niyang business sa buong Pilipinas.

Yes po, ang isa sa mga pinakaaabangang artista ng Kapamilya Channel na si Andrea, na sa kasalukuyan ay 19 years old pa lamang, ay nagtayo ng sarili niyang negosyo noong September 2022 na pinangalanan niyang A.B.G. Tra­ding Inc.

Kung tutuusin, si Andrea o Anndrew Blythe Daguio Gorostiza sa tunay na buhay, na kilala rin sa pangalang Marga ng top-rating show of ABS-CBN’s Kadenang Ginto, ay isang Thomasian sa Quezon City dahil nag-aaral siya sa UST Angelicum. Hindi ko sure kung Grade 12 student ba siya o first year college na, pero kahit saan natin daanin, dapat ay estudyante pa lamang siya at hindi CEO.

Pero pangarap daw niya talaga ang maging entrepreneur kahit noon pang bata siya – pakiramdam kasi ni Andrea ay hindi na siya bata.

“I was only three years old when I started putting on make-up. When Kylie Jenner launched her own brand, I told myself I want to be like her. That’s why I real­ly worked hard to have a name in show business so I can do what Kylie did. And here I am.”

Ang ABG, na kum­panya ni Andrea, ay isang Philippines-based investment holding company. May kinalaman ito sa real estate, mi­ning development, mi­ning sub-contracting and equipment leasing at agricultural/palm oil production and processing.

In other words, hindi ka-cheap-an ang business ni Andrea. Kailangan dito ang utak at matin­ding business analysis.

Aba, brain and beauty.

Speaking of beauty, may sarili ring makeup line si Andrea na tinawag naman niyang Lucky Beauty. Itinayo niya ito noong 17 years old pa lamang siya pero na-push lamang ito noong February 22. Ang Lucky Beauty ay tungkol naman sa mga makeup products na nagsisilbing lucky charms ng mga gumagamit. Siya pa rin ang CEO nito.