HINDI sukat akalain ng bagong Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay na magiging kakaiba pala ang first day taping nila ng kanyang leading lady sa “The Better Woman” na si Andrea Torres.
Eh kasi nga naman, isang daring scene agad ang sinabak sa kanilang dalawa. Ani pa ni Derek, super intense daw ang unang eksena nila ni Andrea kung saan ay sasayaw ng isang mapang-akit na lap dance si Andrea sa ibabaw ni Derek. Pero hindi doon nagtatapos ang naturang sexy scene, dahil ang pang-aakit na ginagawa ni Andrea ay mauuwi diumano sa bugbugan at sampalan, at ang sumunod na eksena ay mas matindi pa raw.
Say pa ng hunk actor, wala raw silang rehearsal na ginawa ni Andrea bago kunan ang kanilang matinding eksena. Bow diumano si Derek sa galing ni Andrea sa pagdadala ng naturang daring scene. Para rin kay Derek ay okey na yung hindi na sila nag-rehearsal ni Andrea bago kunan ang eksena, ayaw kasi nila pareho na maging uncomfortable habang ginagawa ang sexy scene.
ZOREN LEGASPI MAY LIMITASYON
SA KAMBAL NA ANAK SA PAGPASOK SA SHOWBIZ
ONE proud father ng kambal si Zoren Legaspi sa mga magagandang feedback na kanyang natatanggap pagdating sa showbiz career ng anak nila ni Carmina Villaroel na sina Mavy and Cassy. Nakikita kasi nilang mag-asawa ang improvement ng kanilang mga anak sa pagiging host. Dalawa ang hosting job ng kambal, isa sa “Studio 7” at sa ‘Sarap Di Ba?”.
At dahil dumarami na rin ang supporters ng kanilang mga anak, marami ngayon ang umaasang mapanonood na rin ang dalawa sa mga serye o drama show ng GMA-7 since kapwa Kapuso ang kambal. Maging sa pelikula man ay feel na feel na rin ng support-ers na mapanood ang dalawa. Pero ayon kay Zoren, okey na raw muna sa ngayon ang mga ginagawa ni Mavy at Cassy, una para hindi maapektuhan ang kanilang pag-aaralan dahilan sa kumakain ng maraming oras ang pagte-taping ng isang teleserye at kailangan pa rin nilang mag-acting workshop.
Say pa rin ni Zoren, may natanggap na rin daw siyang offer para gumawa ng pelikulang ang kambal pero hindi ito tinanggap ni Zoren. Hindi pa raw napapanahon para sa mag-focus ng husto ang kambal sa showbiz, pag-aaral na muna.