ANDREA TORRES ‘DI NA IKINAHIHIYA ANG SEKSING KATAWAN

SEVEN years after ay muling gaganap na dual role si Andrea Torres sa The Better hotshotsWoman. Unang pagbida niya sa GMA 7 na dual role ay sa Sana Ay Ikaw Na Nga noong 2012.

Kaya alam na niya kung paano paghiwalayin ang dalawang character sa The Better Woman dahil nagawa na niya ito before.

“Noong sabihin nga sa akin nu’ng story conference na dual role ako,  natuwa ako kasi  I`ve done it before. Hindi siya madaling  gawin pero  mate-test ang  acting mo talaga kasi kailangang  mapabilib mo ang audience na magkaiba kayo ng personality.

“Bilang Jasmine at Juliet, talagang malaki  ang difference nila sa pagkatao. Pero si Jasmine, hindi siya basta maiisahan ng ibang tao at si Juliet  ay hindi siya kasing-sama ng inakala ng maraming tao,” say ni Andrea sa grand presscon ng Better Woman.

Hindi na nga raw siya nai-insecure sa kanyang seksing katawan, not like before na nahihiya siya. Ngayon ay comfortable na siyang ilantad ang kanyang katawan.

“I  realized na bigay  ito ni Lord sa akin. Kailangan ipagmalaki  ko. Sabi  nga nila, If you have it, flaunt it. Pero dapat professionally. Kung kailangan sa eksena, doon mo lang ibigay.

“Saka very sexual ang character dito ni Juliet, kaya walang room para mag-inarte ako. Inaral ko ang mag-pole dancing talaga para ipakita  ‘yung sensual  aura niya. Kahit na pasa na ako, ang legs ko after ng eksena sa stripper pole, okey lang dahil ang ganda lumabas ang mga eksena. Pero promise, ang sakit sa legs at black and blue ako after. Pero para sa show, titiisin ko ang sakit,” nakatawa say pa ni Andrea.

Pagdating sa love scene kay Derek Ramsay ay wala rin daw siyang kiyeme.

“Noong tanungin ako kung may limitasyon ba ako, sabi ko wala! Pero dahil primetime kami, siyempre may mga batang manonood, kailangan ay tame ang mga love scenes namin. Mahirap na raw na mamemohan ng MTRCB!

“Ang maganda kay Derek, nag-uusap muna kami bago i-shoot ang isang love scene. Ayaw daw niya ‘yung magugulat ako. Para maganda raw ang reaction ko.

“It`s  all  professional work. First time namin ni Derek to work with one another at nagkasundo agad kami. Kaya enjoy ang makipag-love scene sa kanya,” natatawang say ni Andrea.

Sa tanong naman kung mahulog ang loob ni Derek sa kanya?

“Ay, hindi ko po pina­ngungunahan ang mga bagay-bagay. Basta sa nga­yon, focused po lamang ako sa trabaho ko. As of now, we`re friends ni Derek at goal naming mapaganda nang husto ang aming soap.

Mapanonood ang The Better Woman sa GMA telebabad pagkatapos ng Sahaya.

ANAK NINA JOHN LLOYD AT ELLEN ISANG TAON NA

IPINAGDIWANG nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang first birthday ngJOHN LLOYD AT ELLEN kanilang anak na si Elias Modesto kamakailan.

Nakunan ang birthday party kung saan makikita si Lloydie na karga-karga ang kanilang anak ni Ellen. Pero wala nang iba pang detalye sa natur-ang kaarawan ng bata.

Matatandaang simula nu’ng magsama ang dalawa ay naging mailap na sila sa publiko at pati sa social media account nila ay naging private na rin. Pero hindi rin maiiwasan na may nakalulusot pa ring mga photos nila na kasama ang kanilang anak.

Ilan nga sa nakalabas na photos ay naka-bright orange shirt si Elias na may horse print. Naka-yellow floral polo naman si Lloydie, samantalang nakasuot ng cardigan sa kanyang white shirt si Ellen.

Sa isang post naman ay makikita ang three-layered rainbow  themed birthday cake habang kumakanta ng happy birthday ang mga bisita.

Ang bilis ng panahon, isang taon na ang anak nina John Lloyd at Ellen.