LITERAL na masayang-masaya ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres sa nakakabit na ‘pet’ sa kanyang costume sa bagong teleserye ni Alden Richards sa GMA7, ang “Victor Magtanggol” kung saan si Andrea ang isa sa leading lady ni Alden, kasama rin si Janine Gutierrez.
Sadyang feel na feel ang nakalagay sa kanyang balikat na cute na cute na creature. Ganadong-ganado nga raw siyang suot-suot ang kanyang costume at aliw na aliw si Andrea. Kapuna-puna na tila maaksiyon ang mga teleseryeng ginagawa lately ni Andrea, una na sa “Robin Hood” na nasundan pa sa book 2 nang naturang teleserye ni Dingdong Dantes.
Ang kaibahan naman ngayon ay may power o isang fairy ang papel ni Andrea kompara sa naunang 2 teleseryeng nagawa niya kung saan ay normal na tao ang role ng sexy actress. Kung kaya balik muli sa pag-aaral ng martial arts si Andrea para mas mabigyan niya ng justice ang kanyang mga fight scene lalo na naka-costume pa siya. Hindi naman kaya takot si Andrea na ma-bash siya ng AlDub supporters?
Say naman ni Andrea, kahit noon naman sa teleserye nila ni Dingdong ay na-bash din siya pero dedma na lang si Andrea dahilan para sa actress, trabaho lang ang kanyang ginagawa at hindi niya pinepersonal. Ika nga ginawa lang niya ang iniuutos sa kanya ng director at bigay na project ng mother network.
BAGONG ARTISTA NAKIPAGSABAYAN KAY ATE GUY
ISANG bagong karakter sa telebisyon ang tiyak na mamahalin ng mga manonood sa katauhan ni Onay na gagampanan ng small but terrible na si Jo Berry. Gaganap na anak ni Superstar Nora Aunor sa upcoming primetime series na ‘Onanay’ si Jo at para sa kanya ay mabilis siyang naka-relate sa karakter. Pareho kasi silang adventurous at taga-dala ng good vibes. At dahil baguhan sa industriya at nanay niya si Ate Guy sa “Onanay” siguradong maraming mga eksena na magkasama silang dalawa, kung kaya marami ang nag-eexpect ng sobra-sobra kay Jo.
Paano kaya siya sasabay ng aktingan sa nag-iisang superstar ng bansa? Sa mga nakapanood ng teaser ng “Onanay”, marami ang nagsasabing pumasa si Jo with flying colors sa mga eksenang madrama kasama si Ate Guy. Dati ring aktor ang ama ni Jo na si Perry Berry kung saan siya nagmana ng kanyang height.
Kasama niyang magbibigay inspirasyon sa inyong mga gabi ang kasama ang Kapuso BFFs na sina Mikee Quintos at Kate Valdez., Ms. Cherrie Gil at marami pang iba.
Comments are closed.