ANDREA TORRES EXCITED NANG MAKAPAREHA SI DEREK RAMSAY

ANDREA TORRES

AMINADO ang Kapuso actress na si Andrea Torres na excited siyang makatrabaho sa isang proyekto angthe point hunk actor na si Derek Ramsay na napabalita nang magiging Kapuso soon.

Hirit ni Andrea, isa si Derek sa hinahangaan niya dahil bukod sa pagiging sexy nito ay hanga siya sa pagiging physically fit nito at aktibo sa sports.

Kung si Andrea nga naman ay pamatay ang katawan, proper match lang sa kanya si Derek na siguradong sizzling ang onscreen chemistry.

Si Andrea kung sakali ang napipisil na maging leading lady ni Derek sa teleseryeng may tentative title na “The Better Woman”.

JESSY MENDIOLA ITINANGGI NA LILIPAT NA NG  NETWORK

MARAMI ang naintrigang netizens sa naging post kamakailan ng “Stranded” star na si Jessy Mendiola sa kanyang social media account tungkol sa “old endings and new beginnings.”

May nag-akalang tungkol ito sa moving on at baka raw lilipat na ng network ang aktres. May nag-isip naman na baka may kinalaman ito sa relasyon nila ni Luis Manzano o baka raw papasok ang aktres sa bagong kabanata ng kanyang buhay dahil magpapakasal na ito o ‘di kaya’y nakipag-break na sa kanyang ­nobyo.

Hirit pa niya, nagulat nga rin daw siya na may espekulasyon na lilipat siya ng network.

“Pero siguro dahil siyempre, hindi rin ako visible masyado and maybe they’re thinking na baka nga I’m planning to move or whatever, pero I don’t know, you’ll never know what will happen in the future. Basta ako po, I’m taking it day by day and I’m really happy na kahit paano, I’m still given projects,” aniya.

Paliwanag pa niya, may kinalaman daw ang post niya sa bago niyang baby o pinagkakaabalahan.

“I’m more focused now on my blog and my business. And at least, at the same time, nakikita pa rin ako ng mga tao. Maybe that’s why, iniisip nila na lilipat ako, kasi hindi nila ako nakikita sa TV masyado,” sey niya.

“I just feel really inspired, I just launched my business recently, it’s called SenoritaJph, basically it’s called Señorita, and we are selling kaftans, beach kaftans, beachwear and everything,” esplika niya. “I guess, ‘yun ‘yung new beginnings ko po na finally, I have the time to explore what I really wanted to do in life and that includes fashion. It’s a small online business,” dugtong niya.

Nilinaw rin niya na hindi siya nagtatampo sa kanyang network o feeling niya na napapabayaan na siya ng Star Magic.

Tsika pa niya, mala­king tulong daw si Luis sa mga naging pagbabago sa kanyang buhay, pagdating sa direksyon at pananaw.

“He really made me question my life for the better… na am I really happy ba doing this or what are you doing with your life, na am I okey na hanggang dito na lang ba ang kaya ko. I think, he changed me for the better. He helped me explore new things in life like iyong pagpasok sa business or pagiging open sa tao o pagiging mas communicative sa mga tao. He helped a lot in most aspects of my life,” bida niya.

Comments are closed.