ANDREA TORRES MALAPIT NA SA INA NI DEREK RAMSAY

TILA nasa honeymoon stage naman ang relasyon ngayon nina Andrea Torres at Derek Ramsay. After ng wallfacekanilang “The Better Woman” ay tila mga sweet moments together nilang ang nababasa tungkol sa dalawa. Kahit sa mga social media account nila ay mga bonding nila ang pin­o-post. Tila keber kung may bago man o walang project sa kanilang mother network.

Unti-unti naman nahuhuli ni Andrea ang loob ng kanyang future mother-in-law. Sa isang larawan ay kitang-kita na may closeness nang namumuo sa dalawa. Tila pabor na pabor si Mommy Remedios Ramsay sa bagong girlfriend ng anak.

Maging sa mga lakad ni Derek kasama ang kanyang mom, tulad na lang ng pag-akyat ng kanyang pamilya sa Baguio para sa isang bakasyon, andun din si Andrea. Kapag may ginagawa si Derek, ay kadikit-dikit naman ang ina ng actor. Ika nga ng netizens, mas bonding moments daw ng soon to be magbiyenan kaysa sa bonding moments ng mag-ina.

JANINE GUTIERREZ AT RAYVER CRUZ HINAHANGAAN ANG RELASYON

MARAMING humahanga sa relasyon ngayon nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. Going smooth at rayver and janinematatag. Kitang-kita rin kung gaano nila kamahal at sinusuportahan ang isa’t isa. Walang keber kahit saan sulok pa ng mundo andun ang gf na si Janine, pupuntahan at pupuntahan  ito ni Rayver kahit pa hectic ang schedule.

Kaya marami sa mga followers ng dalawa ang humihingi ng payo kay Janine kung paano humawak ng isang boypren? Tila isang love guru naman itong si Janine sa pagbigay ng payo.

Sabi ng Kapuso young actress, sa una para na nagpakita ng effort ang guy na kilalanin ang pamilya ng girl at sa mga kaibigan nito, masasabi na raw na interesado sa kanya ‘yung guy.

Pero hindi naman daw sa lahat ng bagay ay totoo ‘yun, baka assuming lang daw ang girl kung kaya dapat antayin ni girl na sabihin nito ang tunay na saloobin. ‘Di rin daw kasi tipo ni Janine na makipagtagalan pa ng ligawan sa suitor kung feeling niya ay wala siyang gusto dito. Sayang daw ang oras at wag na raw paasahin pa kung sadyang wala talagang feelings ang girl.

Sa ngayon ay bisibisihan si Janine sa movie niya malapit nang mapanood at next year pa niya balak na magteleserye after her “Dragon Lady”.

One thought on “ANDREA TORRES MALAPIT NA SA INA NI DEREK RAMSAY”

Comments are closed.