ANDREA TORRES MANHID NA SA MGA NEGANG KOMENTO

ANDREA TORRES

HINDI lang pala sa pagkaka-link sa kanyang mga leading man naba-bash ang Kapuso sexy actress na si wallfaceAndrea Torres, kung hindi maging sa kanyang role. Lately, ay sunod-sunod ang pamba-bash sa karakter ni Andrea sa “Victor Magtanggol” lalong-lalo na sa teleseryeng kanyang kinabibilangan. Copycat o kopya lang daw ito ng hit na hit na “Thor” movies.

Sa panayam kay Andrea, inamin nito na tila namamanhid na siya sa mga negatibong komento na kanyang nababasa sa sariling social media account. Laking pasalamat na rin ni Andrea na naging ‘matapang’ na siyang basahin ang mga negatibong komento sa kanya simula noong “Alyas Robin Hood” days.

Halos lahat daw ng puwedeng masakit na komento na mababato sa kanya ay natanggap ni Andrea kung kaya ngayon ay tila manhid na raw siya sa mga bagay na ito at ang tanging magagawa niya para mabago ang pananaw ng haters niya ay ipakita sa mga ito na mali ang kanilang hinala. Tulad na rin lang sa pagli-link sa kanya sa mga leading man, ay taas noong sinabi ni Andrea na ang kanilang “Victor Magtanggol” ay hango sa Norse mythology at hindi kopya sa sikat na sikat na “Thor” movies.

JERIC GONZALES HABOL KAY RURU MADRID

JERIC GONZALESORAS na nga ba ni Jeric Gonzales na makahabol sa karir kay Ruru Madrid? Kung matatandaan ay parehong naglaban ang dalawa sa artista search show ng GMA7 ang “Protegee” kung saan ay si Jeric ang nanalo at runner up lang si Ruru.

Pero sa tinakbo ng kanilang karir ay tila napag-iwanan na ni Ruru si Jeric. Ilang beses nang nagbida si Ruru sa teleserye at pelikula samantalang wala pang naging lead role si Jeric.

Sa pinakabagong tele­seryeng ginagawa niya ngayon, ang “Ika 5 Utos” na mapapanood mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng  “Eat Bulaga” ay maganda ang role ni Jeric, isa siya sa main character at anak ni Jean Garcia. Kay Jeric magsisimula ang pagbabago ng samahan ng mga magulang nila ni Jake Vargas na isa pa rin sa bidang lalake.

Ani ni Jeric, ang bagong teleserye niya ngayon ang maituturing niyang biggest break sa kanyang showbiz career at dito raw ay talagang piniga siya nang husto sa acting ng kanyang direktorang si Laurice Guillen. At ang isa pa rin nagbigay ng motivation kay Jeric para mas galingan ang kanyang acting ay si Jean, ang kanyang ina sa “Ika 5 Utos”. Sa galing ni Jean umakting ay kinakailangan talaga ni Jeric na ibigay ang kanyang best para hindi naman mapahiya sa kanyang mga co-actor.

Comments are closed.