ANDREA TORRES NAKA-MOVE ON KAY DEREK RAMSAY DAHIL SA RICH SUITOR

faceup

MADALING nakamoved-on si Andrea Torres kay Derek Ramsay. Bakit, naman siya magpipilit bumalikANDREA TORRES sa kanya ang aktor e, di ba iniwan siya at may mahal nang iba? Salamat na lang, mahal siya ng GMA7. Binigyan siya ng mga proyekto sa telebis­yon kaya namamayagpag ngayon ang kanyag shobiz career.

Yun marahil ang pormula para maging masaya. Nag-renew kasi ang aktres ng kontrata sa nasabing network at inspired nga siya habang naka-locked-in taping sa pelikulang “Legal Wives.” Ganado siyang magtrabaho dahil mahuhusay ng kanyang kasama sa serye gaya ni Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali.

Pero may nagbulong sa aming may bagong pag-ibig daw si Andrea. Mayroon daw siyang isang bilyonaryong manliligaw. Pero natawa lamang ang aktres.

“Naku, kayo ha! Pero sige, may nagpaparamdam,” sabay tawa niya.

Of course! Sa ganda at kaseksihan niya, hindi siya mawawalan ng suitors. Gayunman, mas priority niya ngayon ang kanyang trabaho. Sobra ang pasasalamat niya sa mga boss ng Kapuso Network sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng mga ito.

 

TOTOONG BUHAY SA PANAHON NG “LOCKDOWN” BINIGYANG KULAY

LAHAT tayo ay lumalaban sa pandemyang likha ng corona virus. Sino nga ba ang hindi nakakaranas ng kahirapan at kawalan ng hanapbuhay? Maraming nagkasakit at namatay, marami ang naulila.

Isang pelikulang kumatawan sa realidad ng buhay kung paano tayo magsu-survive ang “Lockdown.” Matapang ditong inilahad ang isang kaganapan sa buhay ng isang OFW (Overseas Filipino Workers) na ginampanan ni Paolo Gu­mabao na umuwi sa bansa kaya napilitang maging online sex worker dahil sa kahirapan.

Sa isang panayam sa aktor, heto ang kanyang sinabi: “hindi po natin alam kung ano ang ating gagawin kung nandoon na tayo sa ganoong sitwasyon,” ani Paolo Guma­bao. “Kailangan mong kumapit sa patalim para maka-survive.”

Matapang, sexy and daring ang obra ni direk Joel Lamangan. May frontal nudity at lovemaking scenes ngunit hindi katakawan sa laman ang mararamdaman mo. Maiiyak at maawa ka sa kanila. Naging online sex performer sila dahil sa kahirapan.

Ang pelikulang “Lockdown” ay mula sa produksiyon ng For The Love of Arts Films ni Jojo Barron. Nasa pelikula rin sina Allan Paule, Jess Evardone, Angelie Sanoy, Paul Jake Paule at Jim Pebamco. Kasama rin sa cast si Jeff Carpio, Kristian Allene, Dincent Lucero, Mauro Salas, Neil Suarez, Alexis Yasu­da at Sean de Guzman. Mapanood ang Lockdown thru streamng Ktx.ph, UPSREAM.ph, iamRAD.app., this July 23, 2021.

5 thoughts on “ANDREA TORRES NAKA-MOVE ON KAY DEREK RAMSAY DAHIL SA RICH SUITOR”

  1. 896371 282220This really is a good weblog. Keep up all the function. I too really like to weblog. This is excellent everybody sharing opinions 752299

  2. 340035 756739The electronic cigarette uses a battery and a small heating factor the vaporize the e-liquid. This vapor can then be inhaled and exhaled 439351

Leave a Reply

Your email address will not be published.