NEW YORK – Pinataob ni Canadian teenager Bianca Andreescu si Belinda Bencic, 7-6(3) 7-5, upang maisaayos ang pinakaaabangang final duel kay Serena Williams sa U.S Open sa Sabado.
Nagpakawala si Andreescu, nagwagi na ng titulo sa Indian Wells at Toronto sa kanyang breakout 2019 season, ng groundstrokes makaraang ma-ghabol sa 2-5 sa second set, at nanalo sa limang sunod na games upang umabante sa kanyang unang Grand Slam final.
“It is just surreal,” wika ng 19-year-old sa isang on-court interview sa Arthur Ashe Stadium.
“I don’t know what to say. It is a dream come true to play Serena in the finals of the US Open. It’s crazy.”
Lumapit naman si Williams sa record equalling 24th career Grand Slam title nang dispatsahin si Elina Svitolina, 6-3, 6-1.
Pinaulanan ni Williams si Svitolina ng punishing forehands at anim na aces upang maitala ang kanyang ika-101 US Open win, kung saan nakatabla niya si Chris Evert para sa pinakamaraming panalo sa Flushing Meadows.