ININDORSO ni Rapper Andrew E si presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. at running mate na si Sara Duterte sa isa nilang campaign rally sa Sta. Maria town, Bulacan.
Ipinakita ni Andrew E ang kanyang suporta sa UniTeam, at sa isang punto, nakiisa ang mga attendees na nakikisabay sa pag-iindorso kay Marcos bilang susunod na pangulo kay President Rodrigo Duterte at si Sara naman ang susunod na vice president.
Mas nagustuhan pa ng mga tao ang performance ni Andrew E kesa lahat ng nag-speech sa rally kaya tuwang tuwa ang lahat.
Si Andrew E ang huling showbiz personality na nag-endorso kina Marcos at Duterte, kung saan kasama sina Toni Gonzaga, Dulce, Randy Santiago, Cesar Montano at marami pang iba. KNMartin