NAGING malaking palaisipan sa akin ang resulta ng boto na ibinigay ng taumbayan kay Mocha Uson.
Sa 5,000,000 followers o fans nito ay tanging 70,000 ang nakuha niyang boto, 1.4% ‘yan ng kanyang total fans.
Ano ang maaaring dahilan sa likod nito?
1) Hindi lahat ng fans ni Mocha ay suportado ang kanyang adbokasiya, maaaring hanga sa kanyang personalidad pero hindi solido para sa kanya, at maaaring ang iba pa nga ay pawang mga stalker niya;
2) Marami sa fans niya ay hindi rehistradong bumoto;
3) Kulang sa awareness ng partylist kung saan tumatakbo si Ma’am Mocha;
4) Maaaring marami sa bilang ng kanyang followers ay hindi mga tunay na account at trolls lamang;
5) Hindi nakita ang pangalan ng partylist ni Ma’am Mocha sa balota;
6) Nadaya siya ng Smartmatic;
7) Hindi siya bumili ng TV ads;
8) Hindi siya namili ng boto;
9) Ang mga boto ng absentee voters na inaasahan niya ay na-hocus-pocus; at o kaya naman ay
10) Inilaglag siya ng mga inaakalang supporters niya.
Magandang aralin ang kaso na ito ni Ma’am Mocha at ang social media.
Maaaring makapangyarihan ang social media ngunit hindi ito sapat upang maka-deliver ng panalo.