(Pagpapatuloy…)
Kailangang tukuyin ng mga unyong manggagawa ang mga makabagong paraan upang tugunan ang mga isyung gaya ng seguridad sa trabaho sa panahon ng mga bot, pantay-pantay na benepisyo sa mundo ng automation, at ang epekto ng mga sistemang AI sa kondisyon ng paggawa. Ano-ano ang mga batayan sa makatarungang paggamit ng Artificial Intellligence? Paano mapoprotektahan ng mga unyon ang mga manggagawa laban sa diskriminasyon at hindi makatao o hindi makatarungang pagtingin kaugnay pa rin ng paggamit ng AI?
Mahalagang magkaroon ng mga diskusyon tungkol sa responsable at makatarungang paggamit ng AI. Kailangang maisama sa mga pag-uusap na ito ang mga stakeholders gaya ng mga may-ari ng negosyo, manggagawa, at mga unyon. Mahalagang magamit ang AI sa paraang may paggalang sa karapatan ng manggagawa. Ang mga diskusyong gaya ng collective bargaining ay makaka-apekto rin sa pagbuo ng mga polisiyang may kinalaman sa AI. At ang pakikisali o paglahok ay susi upang masigurong ang boses ng bawat isa ay madidinig. Mahalaga ang bawat opinyon dahil ang partisipasyon ay importante lalo na sa panahong binubuo pa lamang ang mga batayang polisiya tungkol dito.
Habang patuloy ang paglaganap ng teknolohiyang AI sa buong mundo, kailangang nangunguna pa rin ang mga unyon sa pagtatanggol sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa. Malaking gawain ito, lalo na sa panahon ngayon, ngunit walang ibang gagawa nito kundi ang mga sangkot din mismo sa usaping nabanggit. Kailangang gawin ng bawat isa ang kani-kaniyang bahagi upang sama-samang makabuo ng magandang bukas sa mundong ito ng Artificial Intelligence.