SA ISANG linggo ay gaganapin sa Metro Manila ang tinaguriang pinakamalaking Pinoy book festival sa bansa, ang Philippine Book Festival (PBF).
Mayroong dalawang bahagi ang kaganapang ito: ang Manila leg mula ika-2 hanggang ika-4 ng Hunyo sa World Trade Center at ang Davao leg mula ika-18 hanggang ika-20 ng Agosto sa SMX Davao.
May dahilan kung bakit tinawag itong pinakamalaking book festival — mayroong lagpas 140 na publishers ang kasali rito, higit sa 80 events, tatlong book exhibitions, at libo-libong aklat na maaaring mabili. Mayroon ding iba’t ibang lugar o bahagi na maaaring bisitahin ng mga pupunta: Kid Lit (children’s books), Komiks (Pinoy komiks), Booktopia (mga paboritong fiction at non-fiction titles), at Aral Aklat (educational textbooks at materyales).
Napakaraming events at aktibidad ang nakalinya para sa lahat. Mayroong mga meet and greet events kasama ang mga kilalang manunulat at ilustrador; mga exhibit, talk at workshop tungkol sa mga temang kagaya ng pagsusulat, local publishing, cross-media adaptation, atbp.; literary discussion at mga debate; at marami pang iba. Para sa mga pamilya naman, may storytelling sessions, special tours, at iba pang family-oriented activities at mga programa. Para sa updated na listahan ng mga event, mangyaring bumisita po lamang sa bit.ly/PBFManila
Heto naman ang isang espesyal na imbitasyon upang bisitahin ang booth ng The Indie Publishers Collab PH sa PBF upang mabusisi ang mga publikasyon ng LitArt Publishing pati na ang mga aklat ng iba’t bang independent publishers na kasapi ng The Indie Pub Collab. Ang aklat na “The Written Property: A Freelance Writer’s Guide to Copyright” (LitArt Publishing) ay maaaring mabili sa booth na nabanggit. Ito ay isang praktikal na resource material para sa lahat ng mga freelance writers at iba pang uri ng freelancers sa bansa. Pwedeng magpa-reserve ng kopya o umorder dito: facebook.com/litarthub
(Itutuloy…)