(Pagpapatuloy…)
PARA sa marami sa atin, naeengganyo tayong magpunta sa mga book events na kagaya ng Philippine Book Festival (PBF) dahil nais nating makita ang napakaraming librong puwedeng mabili mula sa iba’t bang publishers.
Sinigurado ng National Book Development Board (NBDB), ang ahensiyang nakatutok sa book publishing sector ng bansa, pati na sa pagsusulong ng pagbabasa dito sa Pilipinas, na magugustuhan ng publiko ang mga eksklusibong promo para sa mga librong mabibili sa festival.
May mga bagong aklat tungkol sa iba’t ibang paksa, at may espesyal na lugar din kung saan maaaring mamili at magbasa ang mga bisita—ang Book Nook. Ang mga interesado sa mga bagong teknolohiya tungkol sa digital publishing at nais mag-browse ng mga e-books ay matutuwang malaman na kabilang ito sa mga itatampok sa Philippine Book Festival.
Magkakaroon din ng mga live performances ang mga artista at storyteller. At ang lahat ng ito ay libre para sa publiko, anumang edad ay maaaring pumasok.
Ang selebrasyon sa PBF Manila ay magsisimula sa ganap na alas-4 n.h. sa ika-1 ng Hunyo at matatapos naman sa ganap na alas-9 n.g. Sa ika-3 at ika-4 ng Hunyo, ang programa ay magsisimula sa ganap na alas-10 n.u. hanggang alas-9 n.g. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang website www.philippinebookfest.com
Naritong muli ang isang espesyal na imbitasyon upang bisitahin ang booth ng The Indie Publishers Collab PH sa PBF upang mabusisi ang mga publikasyon ng LitArt Publishing pati na ang mga aklat ng iba’tibang independent publishers na kasapi ng The Indie Pub Collab. Ang aklat na “The Written Property: A Freelance Writer’s Guide to Copyright” (LitArt Publishing) ay maaaring mabili sa booth na nabanggit. Ito ay isang praktikal na resource material para sa lahat ng mga freelance writers at iba pang uri ng freelancers sa bansa. Puwedeng magpa-reserve ng kopya o umorder dito: facebook.com/litarthub