ANG ALIPUNGA SA PANAHON NG TAG-ULAN

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

NGAYONG malimit na ang ulan, hindi maiiwasan ang baha at kadalasang pagkabasa ng ating mga paa, dahil dito malimit na ating napapabayaan  at napupunta ito sa sakit na Alipunga. Ano nga ba ang Alipunga or “Athlete’s Foot” at paano natin ito maiiwasan at magagamot?

Ang Athlete’s Foot ay sanhi ng isang Fungus na tinatawag na “Dermatophytes”, na siya ding sanhi ng Buni. Ang Fungus na ito ay tumutubo kapag ang environment ay mainit-init at mamasa masa. Dahil tag-ulan madalas ang ating mga paa ay mabasa sa ulan kapag tayo ay lumalabas papuntang trabaho , minsan hindi din nating maiwasang lumusong sa baha, at kapag ang isang tao ay nak-asapatos at ating hinayaang manatili ang tubig sa ating mga medyas at sabayan pa ng init sa loob nito, ang fungus ay maaaring tu-mubo. Maari ding sanhi ang pag suot natin ng medyas na hindi masyado natuyo ng maige pagkatapos labahan, dahil dala ng malimit na pag-ulan.

Ang Athlete’s foot ay maaring magsimula sa pagitan ng daliri ng mga paa (Finger Web), at sa ibang tao ito ay maaring kumalat sa talampakan, at maging sa buong paa kapag hindi nagamot ng maaga. Ilan sa mga simtomas at senyales ng sakit na ito ay ang pan-gangati ng paa, burning sensation ng mga paa, mangilan ngilang Cracks sa balat ng paa, at ang pinaka uncomfortable sa lahat ng simtomas ay ang pagbaho ng ating mga paa.

Ang Athlete’s foot ay maaring maiwasan sa pamamagitan ng paglinis sa pamamagitan ng pagsabon ng ating mga paa at paghugas nito kapag tayo ay lumusong sa baha, ang pananatiling tuyo ng ating mga paa, pag laba ng maayos ng ating mga medyas at pagpapatuyo nito bago isuot. Ang Athlete’s foot ay maaring magamot sa pamamagitan ng Antifungal. Mayroon ring mga Home Remedy na available sa bahay sa mga kasong mild na alipunga, ilan sa mga ito ay ang baking soda at mga Talcum powder na maaring ilagay sa ating mga paa.

Kung mayroong katanungan maari pong mag email sa samuelzacate@yahoo.com o I like o mag com-ment sa Medicus Et Legem Sa Facebook- Dr Samuel A Zacate.

24 thoughts on “ANG ALIPUNGA SA PANAHON NG TAG-ULAN”

  1. 143673 161703You could surely see your skills in the function you write. The world hopes for more passionate writers like you who arent afraid to say how they believe. At all times follow your heart 657915

Leave a Reply

Your email address will not be published.