ANG amoy ng bagong kotse ay gawa sa isang grupo ng kemikal na ang tawag ay volatile organic compounds, o VOC. Ang VOC ay matatagpuan sa adhesives, fabrics, plastics, at iba pang bagay na ginagamit sa paggawa ng sasakyan.
Ayon sa pag-aaral, may 50-60 iba-ibang VOCs sa isang bagong kotse. Para lang itong “sick building syndrome,” kung saan pwedeng magkasakit ang mga tao kapag nalanghap ito, dahil ang amoy ng toxic chemicals at nanonoot sa dingding, carpets, at fixtures.
Sa kasamaang palad, ang amoy na iyan ay amoy ng kayamanan sa mga bagong kotse dahil sa not-so-luxurious process na kung tawagin ay off-gassing. Kapag naamoy mo ang “new car” scent na iyan, sinisinghot mo rin ang napakaraming chemical compounds na masama sa iyong kalusugan.
Maaari itong maalis sa ganitong paraan: buksan ang bintana para mapalitan ang hangin, ispreyan ng vinegar and water solution, at gumamit ng uling para sipsipin ang amoy – parang ref lang.
Kapag wala nang amoy, gumamit ng car freshener. Mura lang ‘yon. – SHANIA KATRINA MARTIN
Comments are closed.