ANG ARAW NA ITO SA KASAYSAYAN

Ferdinand Marcos

Mahalaga ang buwan ng Hulyo. Ito ang idineklara ni dating President Ferdinand Marcos na Nut­rition Month batay sa Presidential Decree No. 491 na pinirmahan noong 1974.

Pero alam ba ninyong masayang araw din ito dahil ito rin ang National Ice Cream Day? Every 3rd Sunday ng July, magsawa ka sa pagkain ng sorbetes. Dirty ice cream po ang favorite ko.

Ngunit hindi lang puro pagkain ang usapan kung July. May tatak din ito sa kasaysayan. Actual­ly, ngayong araw na ito, July 20, napakaraming pangyayari ang naganap.

Noong 1943, nagsimula ang World War II nang bombahin ang Roma ng mahigit 500 Allied aircraft, na ikinamatay ng libo-libong katao.

Noong 1947, pinatay si Prime Minister of the shadow Burmese government, Bogyoke Aung San at walong iba pa. Noong araw ding iyon, pinatay si Korean politician Lyuh Woon-hyung. Taong 1943 din nang magsanib-pwersa sina Adolf Hitler at Benito Mussolini.

Isinilang naman no­ong 1944 ang Democra­tic National Convention, naganap ang Summer Olympics noong 1980, at nahalal na pa­ngulo ng Estados Unidos si Bill Clinton noong 1993.

Sa Philippine history, tinatayang buwan ng Hulyo 40,000 BC nang makarating ang mga mig­rante sa Pilipinas galing sa iba’t ibang panig ng Asia, gamit ang mga land-bridges.

Tinataya ring buwan ng Hulyo AD 900 nang magsimulang makipagkalakalan ang mga Chinese sa  mga Filipino sa tabig dagat (coastal trading posts) na nagtagal sa loob ng 300 daang taon.

Noong 15th century, nang kasagsagan ng pakikipagkalakalan ng mga Tsino na nasasakupan ng Chinese Ming Dynasty, sinakop naman tayo ng mga Kastila. Naging Spanish colony ang Pilipinas noong 16th century; ngunit ibinenta naman tayo sa US noong 1898 sa pamamagitan ng Treaty of Paris, matapos ang Spanish-American War.

Noong 1935, ang Pi­lipinas ay naging self-governing commonwealth sa ilalim ng pamumuno ni President Manuel Quezon.

Noong late 14th century, nagsimula rin ang relihiyong Islam sa Pilipinas na dala ng isang Muslim clergy na nagmula sa Indonesia at Malaysia.

Huwag nating kalilimutang July 4, 1946 ipinagkaloob ng US sa Pilipinas ang Kalayaan.

Ito ang unang nadeklarang araw ng Kalayaan, na kalaunan ay naging Filipino-Ameri­can Friendship Day, matapon gawing June 12 ang Philippines Independence. – LEANNE SPHERE

3 thoughts on “ANG ARAW NA ITO SA KASAYSAYAN”

Comments are closed.