Pilipinas lang ang nag-iisang bansa sa mundo, kung saan pwedeng baligtarin ang pagwawagayway. Kapag nasa panahon ng digmaan, pulang bahagi ang nasa itaas. At kung walang giyera, asul naman ang nakataas.
Tatlo ang kulay ng bandila ng Pilipinas — asul, puti at pula. May tatlong bituin itong kumakatawan sa tatlong pinakamalaking pulo — Luzon, Visayas at Mindanao.
Mayroon din itong araw na may walong sinag na kumakatawan naman sa walong lalawigang nanguna sa rebolusyon laban sa mga Kastila noong 1896 — Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Manila, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.
Si Marcela Agoncillo ang tumahi ng nasabing bandila, at direct descendant niya si Ryan Agoncillo na asawa ni Judy Ann Santos. In other words, may lahing bayani ang mga anak nilang sina Luccio at Luna.
RLVN