ANG BARRETT’S ESOPHAGUS

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

NITONG nakaraang mga araw nayanig ang Pilipinas ng sabihin ng ating mahal na Presidente Rodrigo Duterte na siya ay mayroong Barrett’s Esophagus at ito ay maaring mapunta sa early stage Cancer ayon sa kanyang mga Magagaling na Doctor. Ngunit ano nga ba ito? Paano ito nakukuha at paanong masasabi na ito ay papunta ng Cancer?

Ang Barrett’s Esophagus ay hindi isang sakit ngunit ito ay isang kundiyon ng esophageal organ. Ang ating Esophagus ay nagsisilbing daanan ng pagkain mula bibig pa­puntang stomach, ang cell lining ng organ na ito ay tinatawag na “ Stratified Squamous Epithelium”, at dahil ito ay malapit sa stomach ang asido ng hu­ling nabanggit ay maaring magkaroon ng access at magdulot ng inflammation sa lining ng Eso­phagus lalo na sa mga taong mayroong sakit na “Gastro Eso­phageal Reflux Disease”. Kapag ang pamamaga ng Esophageal Lining ay maging Chronic or paulit ulit, makaraan ng ilang taon, ang linings na ito ay maaring magbago at maging “Simple Columnar Epithelium” na normally na nakikita sa lining ng ating Small Intestine, ang pagbabago na ito ay ang tinatawag na “Barrett’s Esophagus”. Ang pag babago ng kata­ngian ng Esophageal linings sa condition na Barrett’s Esophagus ay maaaring maituring  na isang Pre-Malignant Condition na ibig sabihin ay hindi pa ito Cancer, ngunit ito ay maaring mauwi sa Eso­phageal Adenocarcinoma kapag ito ay napabayaan.

Hindi Lahat ng taong mayroong Barrett’s Eso­phagus ay nagkakaron ng Cancer, kakaunti lamang ang porsyento ng napupunta sa Cancer. Ang pagbabago sa cells ng epithelial lining ay ang maaring magsabi kung ito ay pre-cancerous or hindi. Upang malaman kung ang changes sa cells ng Esophageal lining ay may potential na maging Cancer, ang cha­racteristics ng cells nito ay inaalam sa pamamagitan ng Biopsy na isinasabay habang ang isang pasyente ay sumasailalim sa Endoscopy. Mayroong apat na kategorya ang mga Cells ng Barrett’s Esophagus; Non-Dysplastic, Low-Grade Dysplasia, at High-Grade Dysplasia. Ang High-Grade Dysplasia na uri, ang mayroong mataas na potential na maging cancer sa lahat ng nabanggit. NGUNIT AYON SA PAG AARAL ANG HIGH GRADE DYSPLASIA ANG RISK NA MAPUNTA ITO SA CANCER AY 10 PERCENT PER PATIENT YEAR at maaring mas mataas lamang ng kaunti dito. (source: Shaheen NJ, Richter JE (March 2009). Barret’s Oesophagus”. Lancet. 373 (9666): 850-61).

Ayon sa pag aaral na isinagawa ng team nila Dr Masoud Solaymani- Dodaran ng Tehran University of Medical Sciences, nakita nila na ang sanhi ng mga taong namatay na mayroong condition na Barrett’s Esophagus, 4.5 % lamang dito ay  dahil sa Esophageal Cancer. Ang conclusion ng research na ito ay approximately 2 percent lamang ang  possibilidad na ang isang tao ay mamatay sa Esophageal Cancer, sa loob ng 10 taon mula siya ay makakitaan ng Barrett’s Esophagus. Mas mataas pa ang possibilidad na ang sanhi ng pagkamatay ng taong me condition na Barrett’s Esophagus ay mula sa ibang sakit tulad ng Ischemic Heart Diseases.

Ilan sa senyales at simtomas ng condition na Barrett’s Esophagus, ay mahahalintulad sa sakit na GERD (Gastroesophageal Reflux Disease) tulad ng Heart Burn, mahirap na paglunok, masakit na paglunok ng pagkain, chest pain at weigh loss.

Ang management sa Barrett’s Esophagus ay depende sa dami or extent ng abnormal cells sa esophagus at sa status ng kalusugan ng isang pas­yente. Mahalagang ma-monitor ang progreso nito sa pamamagitan ng “Periodic Endoscopy” na ni­rerecomenda ng ating mga Gastroenterologist. May ibat ibang recommendation sa bawat kategorya ng dysplastic cells na makikita sa isang tao na mayroong Barrett’s Esophagus, kaya napakaimportante ng close follow up sa ating mga Doctor.

Ilan sa mga dapat gawin upang maiwasan ang kundisyong ito ay ang pagtigil pagsisigarilyo, pag bawas ng timbang, kumain ng fruits and vegetables, at wag ugaliing kumain apat na oras bago matulog. Kapag ikaw ay inaatake ng heart burn, matulog ng nakataas ang ulo sa pamamagitan ng paglagay ng unan sa likod at maari ring bawasan ang kape, alak, chocolates at mga pagkain na matataba.

Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] o mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook.- Dr Samuel A Zacate

Comments are closed.