AMINADO ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na malaki ang ibabagsak ng tax collections sa income, business, corporate at iba pa sa sandaling ihinto o suspendihin ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleraion and Inclusion (TRAIN) law, at hindi maitatago ang malaking pakinabang ng sambayanan sa biyayang dulot nito at sa nililikhang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Naniniwala ang mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakasalalay sa TRAIN law ang magandang kinabukasan ng ekonomiya ng bansa, lalo na ang tinatamasa ng mga Filipino worker na tax exemption.
Sa ilalim ng TRAIN law, ang mga manggagawa na sumasahod ng hindi hihigit sa P250,000 kada taon ay exempted sa pagbabayad ng buwis.
Ang mga manggagawa naman na kumikita ng mahigit P250,000 subalit hindi tataas sa P400,000 kada taon ay papatawan lamang ng 20 porsiyentong buwis sa sobrang kita sa P250,000.
Iginiit ni Department of Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III ang kahalagahan ng TRAIN law sa ekonomiya ng bansa. Aniya, isang importanteng milestone para sa ekonomiya ng bansa ang TRAIN law kung saan aabot sa P786 bilyon ang inaasam na revenues ng gobyerno hanggang sa susunod na limang taon.
Pinopondohan, aniya, ng TRAIN law ang ‘Build Build Build’ program ng administrasyong Duterte na nagkakahalaga ng P8 trilyon, kabilang ang pagpapagawa ng class rooms, rural health units, barangay health stations, provincial hospitals, mga irigasyon, tulay, kalsada at marami pang iba.
Nakasaad umano sa TRAIN law ang pagpapasigla sa tax collections ng BIR at Bureau of Customs para masuportahan ang malaking gastos ng gobyerno sa imprastraktura, human capital development, pag-alis sa piling exemptions sa Value Added Tax (VAT), pagbabago sa tax rate para sa gasolina, sasakyan, tabako, uling, mga mineral, documentary stamps, foreign currency deposit units, capital gains para sa stock na hindi napasama sa stock exchange, stock transactions, bagong mga buwis para sa sugar-sweetened beverages, non-essential cosmetic procedures at bawas sa buwis sa estate at donor taxes.
Isa rin sa dahilan kung bakit tumaas nang labis sa inaasahan ang tax collections ng BIR at BOC ay ang implementasyon ng TRAIN law. Nagbunsod ito sa perfect collection performance ng dalawang ahensiya, lalo na sa panig ng revenue regional directors at revenue district officers at maging sa customs district collectors at examiners.
Nagbabala si Secretary Dominguez na ang pagsuspende sa TRAIN law ay magreresulta sa malaking suliranin sa bansa dahil ang pinakamalaking maaapektuhan nito ay ang takbo ng ekonomiya.
“Expenditures on public goods and services jump 40 percent to P225.8 billion from P160.5 billion in the same month last year, citing a report from National Treasurer Rosalia De Leon last month, the tax take of the BIR rose 13 percent to P209.8 billion from P184.9 billion a year ago, while the BOC collections of import duties and other taxes climb 43 percent to P46.9 billion from last year’s P32.8 billion. Suspension of the TRAIN program will certainly tend to slow down the ‘Build Build Build’ program of President Duterte,” paliwanag niya.
Sa BIR, masayang ipinarating ni Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay kay Pangulong Duterte ang ipinamalas na magandang tax collection performance ng nasabing tanggapan sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng limang buwan at ito ay dahil sa pakikipagtulungan sa kanya nina Metro Manila BIR Regional Directors Romulo Aguila, Jr. (Manila), Marina De Guzman (Quezon City), Manuel Mapoy (Caloocan City) at Glen Geraldino (Makati City).
Aniya, sa unang limang buwan pa lamang ng taon, ang BIR ay nakakolekta na ng P27.91 billion.
Sinabi ni Commissioner Billy na habang tumatagal ay paganda nang paganda ang tax collection performance ng BIR kaya naman nasisiyahan nang husto ang Malacañang.
Maganda rin ang tax collection performance na ipinamalas ni BOC Commissioner Sid Lapeña, base sa kanyang official report kina Presidente Duterte at Secretary Dominguez.
oOo
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09293652344 o mag-email sa [email protected]
Comments are closed.