ANG Filipinas ay isa sa mga mayamang source ng mineral sa buong daigdig, nandiyan ang malakihang deposito ng nickel, gold, copper, iron at chromite. Ayon sa opisyal na estimate, nasa US$1.4 trillion ang halaga ng mga ito na nakadeposito sa bansa. Ngunit ang ating mining sector ay nag-o-operate lamang ng may 2.35 percent ng may siyam na ektaryang lupain sa bansa na may mataas na mineral potential — nasa 48 metallic mines at 61 non-metallic mines lamang ang operational.
Magandang pigura ito, ibig sabihin nito ay investments, revenues, mga hanapbuhay, livelihood kung mapapayagan lamang. Kamakailan, ang House Committee on Ways and Means, chaired ni Nueva Ecija Representative Estrellita Suansing, ay nag-convene upang talakayin ang substitute bill para sa House Bills (HB) 422 at 7994. Ang HB 7994, o “An Act Establishing the Fiscal Regime for Mining Industry”, ay partikular na nakaumang na mag-impose ng five percent royalty tax against sa mining companies na nasa loob man o labas ng mineral reservations. Sa bandang huli ay napagtanto ng mga mambabatas na mas maiging mas maingat at baka mapatay nila ang buong industriya.
“Let’s us not kill the goose that lay the golden egg,” sabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, isa sa mga mambabatas na nag-request ng mas mahabang panahon upang mapag-aralan ang magiging epekto ng tax proposal sa industriya.
Tunay na ang mining sector ay nag-aambag lamang ng mababa pa sa one percent sa gross domestic product (GDP) ng bansa at sa exports naman ay nasa tatlo hanggang apat na porsiyento lamang ang kontribusyon nito, ngunit sa ilang mga rehiyon sa bansa, ang mining industry ang nagsisilbing main economic driver. Ehemplo na ang CARAGA at Mimaropa kung saan ang ambag ng industriya sa kani-kanilang ekonomiya ay lumalampas ng 20 porsiyento.
Samantala, ang proposal ng Chamber of Mines (COMP), sa pamumuno ng chairman nito na si Gerardo Brimo, ay ang sumusunod: 4 percent excise tax, 5 percent sa gross revenues sa nickel mining, 2 percent royalty na nakabase sa income sa open-pit mining ng copper, gold at iba pang metal, 1 percent tax sa income sa underground mining, at windfall profits tax.
Sinabi ni Brimo na ang windfall profits tax ay nararapat na ma-apply sa income mula sa mining operations bago ang corporate income tax at ito ay nakatali sa operating margins.
“So the higher the margin of a mining company, the higher the tax that will be applied,” pahayag ni Brimo.
Comments are closed.