KAHAPON ang Araw ng mga Ina pero sigurado akong mayroon pang ilan sa inyo na hindi pa nailalabas ang kanilang mga nanay upang mag-celebrate ng Mother’s Day. O kaya naman ay bibili pa lamang ng munting regalo para sa naturang okasyon.
Naging busy nga naman ang lahat sa kampanya, pamimili ng kandidato, at sa pagboto mismo. Pero kapag natapos na natin ngayong araw ang ating responsibilidad sa bayan, tamang-tama ang panahon para mag-spend naman ng time kasama ang ating mga nanay, o kaya naman ay i-treat ang sarili, kung ikaw ay isang nanay na nangangailangan ng kaunting time.
Kamakailan ay may natanggap akong anunsiyo mula sa Novotel Manila tungkol sa kanilang Mother’s Day offerings, valid pa rin sa buong buwan ng Mayo. Naisip kong sayang naman kung hindi ko maibabahagi ang impormasyon sa inyo, aking mga mambabasa sa PILIPINO Mirror.
Ang Mother’s Day Special Room offer ng Novotel para sa dalawang adults at dalawang bata na may edad 15 at pababa ay P6,000 nett/night lamang, kasama na ang breakfast sa Food Exchange Manila. Mayroon din silang Sunday brunch buffet offer sa halagang P2,488/person sa Food Exchange Manila pa rin. At panghuli, ang InBalance Spa ay may spa-cation offering for moms sa presyong P5,888, kasama na rito ang paggamit ng pool at steam room, na may kasunod pang signature scrub, 60-minute aromatherapy massage, at facial treatment. Kasama pa rin sa offer na ito ang dining credits na nagkakahalaga ng P1,200 para sa The 6th Manila. Ang Novotel Manila ay matatagpuan sa Cubao, Quezon City.