(Pagpapatuloy…)
Isang paraan ng pangangalaga ng ating mga luma ngunit makasaysayang istruktura ay ang tinatawag na restoration o pag-iingat at pagpapanumbalik ng kanilang ganda upang tumaas na rin ang halaga ng mga ito at ng kanilang kapaligiran. Kung tutuusin, isa itong pamumuhunan para sa kapakanan ng komunidad kung saan nakatayo ang istrukturang iniingatan.
Bukod sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), National Historical Commission of the Philippines (NHCP), at National Museum of the Philippines (NMP), ang Escuela Taller de Filipinas Foundation, Inc. (ETFFI) ay tumutulong sa mga nabanggit na ahensiya ng pamahalaan upang mapanatili o mapanumbalik ang mga pamanang pangkultura ng ating bansa. Ang ETFFI ay itinatag noong 2009. Nagbibigay rin sila ng training para sa mga out-of-school youth upang pagyamanin ang kanilang kakayahan at kaalaman sa larangan ng heritage preservation o pangangalaga sa ating mga pamanang pangkultura. Ginagawa rin nila ito upang mapalakas ang kakayahan ng mga kabataang wala o limitado ang mga oportunidad, at upang mabigyan na rin ng benepisyo ang mga lokal na komunidad.
Dahil sa climate change, ang ating mga lugar ng kasaysayan at pamana ay nahaharap sa mga kalamidad.
Hindi tayo kailangang mag-aksaya ng panahon. Ang mga hakbang upang mapigilan ang pagkasira ng mga ito ay kinakailangang masimulan na ngayon. Mabuting suportahan ang mga organisasyong gaya ng ETFFI na nahaharap din sa kakulangan ng pondo. Upang maituloy nila ang kanilang mga programa, kailangan nila ang tulong ng pribadong sektor.
Maaaring magpadala ng donasyon sa ETFFI, o makipagtulungan sa kanila upang lumikha ng mga programa o proyekto. Maaari ring mag-volunteer upang tumulong sa kanilang mga gawain. Ang mga donasyon ay maaaring ipadala sa ESCUELA TALLER DE FILIPINAS FOUNDATION, INC. (account name), account number 200-7-200-52397-7 (Metrobank Intramuros). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Escuela Taller de Filipinas, bisitahin lamang ang kanilang website , Facebook page, Twitter at Instagram