ANG COLLAB TUNGO SA PAG-ASENSO BISYONG PAGNENEGOSYO (BATCH 3)

TULOY ang pagtulong!

Ito ang layunin ng webinar na Bisyong Pagnenegosyo na sa ikatlong pagkakataon ay magbibigay ng tulong kaalaman at maliit na puhunan galing sa Big Heart Investors. Simula nang inilunsad ang proyektong ito, nasa 26 na ang nabigyan ng pagkakataong makasimula o maipagpatuloy ang kanilang negosyo sa kabila ng hamon ng pandemya.

Sa halip na bigyan lang ng ayuda, ay turuan din silang maghanapbuhay. Sa pagtuturo ni Dr. Benjamin Ganapin Jr, naihahanda ang mga participants sa tamang pagnenegosyo at maaaring ma-minimize ang risks dahil sa kaalamang itinuturo nya.

Nakalabas na din ang libro na ‘Bisyong Pagnenegosyo’ na isinulat din ni Dr. Ganapin Jr., na nagtuturo kung paano mag umpisa ng maliit na negosyo at ito ang ginagamit na guide sa webinar. Available na ang book sa publiko.

Sa batch 3, may 18 registrants na sana mabigyan ng tulong ng mga donors. Sa ilalim ng pangunguna ng BVG Foundation at Rotary Club of Cosmopolitan Cubao, at sa pagsuporta ng Chelsea, Finickee, PowerAccess Electrical Services, Kape ni Daan, Caspar Roofing Inc, Techbred Concept Corp., Commander Security Agency, Jomcret Trade and Development Corp., Brewing Point, Barrio Fiesta, TagaGuys It’s Lechon, IMOSTI, Maya at Laya, Skyline Hospital and Medical Center, BVG Accounting and Business Consultancy, at ang PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negosyo! na official media partner ng Foundation, nakakapag-aral ang mga participants nang libre at may pagkakataon pang mabigyan ng maliit na puhunan.

Ang mga participants ay mag-aaral ng 5 lectures mula Feb 20 hanggang March 2, 2022 at hihimuking magpasa ng simpleng business plan. Mayroon ding nagkuwento ng kanilang karanasan at success stories sa mga naunang batch ng Bisyong Pagnenegosyo.

Ang balak ng foundation ay ipagpatuloy ito at makarating lalo na sa mga probinsya at sa mga kumpanyang gustong gawin itong professional development para sa employees nila. Makipag-ugnayan lamang sa kanila.

Nakatutuwang marinig ang mga kuwento nila sa pagnenegosyo at lalo pang nagpapalakas ng loob namin na mas pag pag-igtingin ang proyekto ng foundation.

Salamat sa ating mga donors din na walang humpay sa pagbigay ng ayuda sa masipag at deserving na participants, ika ni Dr. Ganapin Jr. na director ng foundation.

“Ang dami kong natutunan at mahirap pala ang magnegosyo pero sa patuloy na pag-aaral, unti unti kong naiintindihan, wika ni Tere Apresto na isa sa participants ng batch 3. Lubos na nagpapasalamat ang participants sa kanilang mga natututunan. Target ng Foundation na maibigay ang puhunan sa March 6, 2022 para maumpisahan na ang pagnenegosyo. Kontakin ang BVG Foundation Inc. para sa mga nais na tumulong at sa mga gustong matuto, bisitahin ang FB Page para sa mga libreng webinars.

Ito ay isang kolaborasyon sa pagitan ng BVG Foundation at Big Heart Investors na makatutulong sa ating mga kababayan na magkaroon ng kaalaman sa pagnenegosyo, at kung papalarin, mabigyan din ng kaunting puhunan – na akma sa tema ng PILIPINO Mirror sa ika-10 anibersaryo nito ngayong taon na TEN PAYAMAN – Ang Collab Tungo sa Pag-Asenso!