ANG DENGUE FEVER

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

NGAYONG tag-ulan malimit na naiipon ang mga tubig sa mga lugar na stagnant, at mga lugar na hindi nakakadaloy ang tubig ng maayos. Ang mga ito ay pugad ng lamok na maaring magsanhi sa tao ng sakit na Dengue. Bakit nga ba importanteng malaman ang sakit na ito, at ano ano ba ang simtomas at senyales nito?

Ang Dengue ay sanhi ng isang Virus ang Dengue Virus (DENV) na mayroong apat na strains. Ito ay Mosquito-borne at na-tratransfer sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Ang lamok na pangkaraniwan na vector or vehicle nito ay yaong napapabilang sa species na Aedes aegypti na madalas mamugad sa mga stagnant waters tulad ng mga tubig na naipon sa mga lata at bote. Walang pinipiling kasarian or edad ang sakit na ito. Ayon sa datos ng Department of Health, mayroong natala nuong January 2020 hanggang May 30 2020, na 50, 169 na bilang ng kaso, at 173 dito ay nangamatay, mas mababa ito kumpara ng parehas na buwan ng nakaraang taon ng 2019 na mayroon lamang 92,808 na kaso at 452 na nangamatay na pasyente.

Ang simtomas ng Dengue ay mahahalintulad sa trangkaso at iba pang sakit na nag dudulot ng lagnat. Ang taong nakagat ng lamok na nag haharbor ng Dengue Virus ay makakakitaan ng lagnat, pananakit ng katawan, ubo at sipon, 4 to 10 days pagkatapos itong makagat ng lamok. Ang mga simtomas na nabanggit ay nang-yayari at na-reresolba ng 2 to 7 days. Isa sa mga simtomas at senyales ng Dengue ay ang mga rashes sa katawan na tinatawag na “Petecchia”, ang pinag-kaiba nito sa ibang rashes ay ang sanhi nito, sapagkat ito ay dulot ng pagrupok ng mga maliliit na ugat na tinatawag na “Capillaries” na nag lalaon ay nagsasanhi ng “Microhemorrhages” kaya ito ay nakikita na tila isang rashes.

Ang pagbaba ng platelet ng isang tao na mayroong dengue ay maaring magdulot ng “Bleeding Tendencies” tulad ng pagdahak ng dugo, pagdurugo ng ilong, dumi na kulay itim, at sa mga babae naman ito ay maa­ring magpatagal ng duration ng kanilang menstruation. Ang mga bleeding signs ng sakit na dengue ay dapat na binabantayan sapagkat ito ay maaring magdulot ng pagkamatay ng isang tao. Kapag ang isang tao ay hindi ma-hydrate ng agaran,  lalo na kung sila ay me senyales na ng “Shock” tulad ng pagbaba ng blood pressure, ang isang tao ay maaring mamatay.

Bilang isang Virus, walang gamot na Antiviral  na nagagawa pa laban sa Dengue sa ngayon. Ang isang tao na mayroon nito ay ina-assess at mino-monitor sa kanilang mga simtomas, hydration status at platelet count. Mayroong “Thin Line” ang pag-mamanage ng Dengue sa Bahay bilang Out-Patient at kung kalian ang isang pasyente ay dapat ng ma-admit sa isang ospital. Kaya nararapat na tayo ay magpakonsulta sa ating mga Doctor. Ang Dengue ay ma-preprevent sa pamamagitan ng pagtapon ng mga nanatiling tubig or “Still Water”, pag-gamit ng Mosquito Repellant, pag-linis ng kapaligiran, pag-gamit ng kulambo, at pag-spray ng insecticide sa ating bahay. Ang bakuna na laban sa Dengue ay inalis sa merkado sa Pilipinas dahil sa iscandalo na kinasangkutan nito. Sa aking opinion, hanggat hindi na reresolba ito, hindi ko ito ni-rerecomenda na gamitin ulit bilang Preventive Measures.

Kapag Mayroong katanungan, Maaring mag email sa [email protected] or I like o mag comment sa Medicus Et Legem fan page sa Facebook- Dr Samuel A. Zacate

Comments are closed.