PARAÑAQUE CITY-PINAALALAHANAN ni Mayor Edwin L. Olivarez na wala nang susunod pang pagpapalawig na mangyayari sa pagbabayad ng local business tax (LBT) at iba pang bayarin sa lungsod at ito ay hanggang Hulyo 31 na lamang.
Aniya, ang naunang deadline sa pagbabayad ng business taxes ay noon pang Abril 20, ngunit pinalawig ng lokal na pamahalaan ang pagbabayad ng buwis upang matulungan ang mga negosyante na makabangong muli dahil sa hindi magandang epekto na idinulot ng coronavirus disease o COVID-19 na naglagay sa peligro ng ekonomiya ng bansa.
Sa ibinigay na tatlong buwan na palugit ng lokal na pamahalaan sa pagbabayad ng buwis, sinabi ni Olivarez na umaasa sila na muling makababangon ang mga negosyante sa lungsod dahil sa pagbubukas ng kanilang mga negosyo at makababayad na ang mga ito ng kanilang buwis hanggang Hulyo 31 ng walang multa at surcharges.
Paliwanag naman ng hepe ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) na si Atty. Melanie Soriano-Malaya, ang hindi makapagre-renew ng kanilang mga business permit ay nangangahulugang hindi na sila papayagang mag-operate sa lungsod. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.