ANG ANUMANG mayroon ka na kapag mamahalin at aalagaan mo nang mabuti, ito ay magbibigay sa iyo ng matamis na pagmamahal at pangangalaga, serbisyong sinsero, kita o kayamanan, at maituturing na ‘gansang nangingitlog ng ginto’ para sa iyo.
Dahil dito, maituturing ang Panginoong Diyos na pinakadakilang ‘gansang nagingitlog ng ginto’ para sa iyo. Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay sa mundo. Siya ang may-ari ng lahat ng kayamanan. Diyos ang may-ari ng lahat ng yaman; tayong mga tao’y katiwala lamang. Nilikha tayo sa larawan ng Diyos. Maaari tayong makiugnay sa Kanya gaya ng ating pakikiugnay sa sinumang tao. Kung puwede kang magkaroon ng relasyon sa iyong asawa’t anak, maaari ka ring magkaroon ng relasyon sa Lumikha sa iyo. Kung puwede kang magkarela-syon sa iyong boss o ka-opisina, maaari ka ring magkaroon ng relasyon sa Maykapal. Kung paanong puwede kang magkaroon ng rela-syon sa iyong ama’t ina, mga kapatid, kamag-anak, kapitbahay o sino pa mang tao, maaari ka ring magkarelasyon sa Maylalang ng langit at lupa.
Ang Diyos ay isang persona. Mayroon siyang isip, damdamin at pagpapasya. Hindi Siya makina o robot. Kaya maaari kang mag-isip, dumamdam, magpasya at makipagrelasyon sa kapwa-tao mo dahil nilikha ka ng Diyos sa larawan Niya. Siya ang may pinaka-dakilang isip, damdamin at kapasyahan.
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan (kasama ka roon) upang makipag-relasyon sa Kanya. Nilikha Niya tayo para maging mga anak Niya. Gusto Niyang maging Ama sa atin. Gusto Niya tayong mahalin at pagpalain. Nilikha Niya ang napakagandang daigdig na ito para sa kasiyahan ng tao. Inatasan Niya ang tao na maging tagapangalaga ng sang-nilikha. Kung tayo ay susunod sa Kanya, tuloy-tuloy ang Kanyang pagpapala. Hindi malulumbay at hindi magugutom ang tao. Nilikha ng Diyos ang babae para maging katuwang ng lalake. Dapat silang magmahalan at magtulungan. Dapat na magkatuwang sila sa pama-mahala nila sa mundo. Habang ginagampanan ng tao ang kalooban ng Diyos, sila ay maligaya at puspos ng biyaya mula sa Ama.
Sa kasawiang palad, ang unang mga tao, sina Adan at Eba, ay sumuway sa Diyos na kanilang Ama. Nasi-ra ang ugnayan ng Diyos at tao. Nagkaroon ng bara sa kanilang relasyon. Iyan ang kasalanan. At lahat ng mga naging anak nina Adan at Eba, at lahat ng sumunod na lahi ng tao ay pawang nagmana ng kalikasang makasalanan. Kaya sinasabi ng Bibliya, “Ang lahat ng tao ay nagkasala at nahiwalay sa Diyos.” (Roma 3:23) “Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos. Nagkasa-la kayo kaya hindi ninyo siya makita, at hindi niya kayo marinig.” (Isaias 59:2) “Ang kabayaran ng kasa-lanan ay kamatayan.” (Roma 6:23)
Subalit purihin ang Diyos. Nagpadala Siya ng solusyon sa ating problema ng kasalanan. Si Jesus ay na-matay para bayaran ang parusa ng ating mga kasalanan. Ang sinumang mananampalataya kay Jesus na tatanggapin siya bilang Panginoon at Tagapagligtas ay pata-tawarin sa lahat ng kanyang mga kasalanan at bibigyan siya ng Buhay na walang hanggan. Ang Diyos Ama ay magiging Ama niyang muli. Lahat ng Kanyang kayamanan sa langit at lupa ay para sa mga anak Niya. Ang sabi ni Jesus, “Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.” (Juan 14:14)
‘Pag nanumbalik ang relasyon mo sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap mo kay Cristo, huwag na huwag ka nang magpapabaya sa relasyong iyan. Pahalagahan mo ang Diyos. Siya dapat ang numero uno sa iyong buhay. Siya dapat ang pinakamataas mong pag-ibig, higit pa sa iyong sarili; higit pa sa iyong asawa’t anak. Sundin mo ang kalooban Niya. Magbasa ka ng Bibliya. Pag-aralan mo ang katuru-an ng Diyos. At sundin mo ang mga iyon. ‘Pag ginawa mo ito, makikita mong ang Diyos ang pinaka-dakila mong kayamanan. Anuman ang hihingin mo sa pangalan ni Jesus ay ibibigay Niya sa iyo. Ang Diyos ang pinakadakila mong ‘gansang nangingitlog ng ginto’.
Tandaan: Sa kakasingko-singko, nakakapiso; sa kakapiso-piso, nakakaisang libo.
Comments are closed.