Ang epekto ng Zoom, Netflix, YouTube, atbp sa ating kalikasan

PUSONG PANALO

(Pagpapatuloy)
ANG nabanggit na pag-aaral ay isinagawa gamit ang impormasyon mula sa mga bansang Brazil, China, France, Germany, India, Iran, Japan, Mexico, Pakistan, Russia, South Africa, UK, at Amerika.

Ang pagpoproseso at pagpapadala ng internet data sa bansang Amerika ay may mas mataas na footprint kaysa sa carbon footprint ng mundo. Ngunit ang kanila namang water footprint at land footprint ay mas mababa ng 45% at 58%.

Nakakagulat ang resulta ng pag-aaral tungkol sa water footprint at land footprint na dulot ng paggamit ng internet. Halimbawa, ang Germany na siyang nangunguna sa paggamit ng renewable energy at may mababang carbon footprint ay mayroon namang mataas na water footprint at land footprint.

Ayon sa mga eksperto, tumataas na talaga ang carbon footprint na dala ng paggamit ng internet noon pa mang bago magka-pandemya. Nasa 3.7% ng greenhouse gas emissions sa mundo ang nagmumula sa internet. Hindi lamang nabigyang pansin noon ang water footprint at land footprint ng imprastraktura ng internet.

Kaya naman nararapat lamang na maging mas maingat tayo sa tuwing gagamit ng internet. Kagaya ng nabanggit ko noong Miyerkoles, makatutulong na limitahan ang paggamit ng video sa mga app o software na ating ginagamit, o kaya naman ay bawasan ang kalidad ng video upang mabawasan din ang masamang epekto nito sa ating kalikasan.

Nagtulong-tulong ang mga mananaliksik mula sa Massachusetts Institute of Technology, Yale, at Purdue upang maisagawa ang pag-aaral na ito. Suportado ito ng Purdue Climate Change Research Center, Purdue Center for the Environment, MIT Energy Initiative, at ng Yale MacMillan Center. Malaki ang tulong ng mga resulta ng pananaliksik sa paggawa ng mga polisiyang may kinalaman sa paggamit ng internet sa iba’t ibang bansa.

One thought on “Ang epekto ng Zoom, Netflix, YouTube, atbp sa ating kalikasan”

Leave a Reply

Your email address will not be published.