ANG FAKE NEWS NI MARIA RESSA

rey briones

DAPAT ay papanagutin sa batas kontra fake news courier itong talentadang si Maria Ressa ng Rappler.

Bilib ako noon sa babaeng ito… sa kanyang tapang na magpahayag ng kanyang saloobin.

Na ayon sa kanya ay sa ngalan ng malayang pamamayahag.

Bilib pa rin ako ngayon sa kanya, Suki, sa kanyang tapang na magsiwalat ng FAKE NEWS.

oOo

Suki, ito ang klarong fake news ng babaeng malayang nagpakalat ng maling impormasyon sabay ng kanyang bintang na paniniil umano ng gobyernong Duterte sa kanyang kalayaan sa pamamahayag.

“This is a network that has about ELEVEN million employees… the largest broadcaster.”

Bahagi ‘yan ng sagot ni Maria Rezza sa isang interview ng TV host ng ABC News na si Beverly O’Connor nang tanungin kung ilan ang nawalan ng trabaho sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Grabe, Suki! ELEVEN million daw na empleyado ng ABS-CBN.

Hindi “mother of fake news” kundi “lola ng mga fake news” ang isinubo ni kabayan Maria Ressa sa banyagang tonta nakusang nilunok nang buong-buo at hindi man lang nginuya ang maling balita.

Suki, lagpas 15 milyon lang ang populasyon ng Metro Manila, kaya kung 11 milyon ay kawani ng ABS-CBN… aba’y may pagkalalagyan si Pangulong Duterte, o sino mang tsuwariwap niya na nasa likod ng pagpapasara ng higanteng kompanya. Hohum!

oOo

Suki, kung hindi si Maria Ressa ang nagsabi na onsev milyones ang trabahantes ng ABS-CBN ay puwede ko pang isipin na nagkamali lang ng sambit.

O kaya’y bunga lang ng kamangmangan angsabihing onse milyones ang bungangang direktang nakikinabang sakompanya ng mga Lopez.

Sa Ingles, Suki ay “slip of the tongue.”

Pero si Maria Ressa ang nagsalita ng FAKE NEWS, Suki.

Isang matikas, tigasin at bigating mamamahayag na  minsan nang pinarangalan ng kilalang magazine sa buong daigdig bilang isa sa iilan lang na “powerful women’ sa mundo.

Kaya tangan ko ang presumption na dapat siya’y isang responsableng mamamahayag bilangbossing ng kilalang online news network na Rappler.

Sa totoo lang, Suki, hindi lang ako ang naghihintay ng paghingi ni Maria Ressa ng paumanhin kung nagkamali man siya ng sambit sa numero ng mga kawani sa ABS-CBN.

Para maibsan ang duda ng marami na sadyang ginagamit niya ang kanyang bunganga para siraan lang ang kasalukuyang administrasyon.

Syanga pala, Suki, nasaan na ‘yung awtoridad na umuusig sa mga nagpapakalat ng “fake news”?  HOY GISIIING!

2 thoughts on “ANG FAKE NEWS NI MARIA RESSA”

Comments are closed.