ANG “FATTY LIVER” AT PAANO ITO MAIIWASAN

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

ANG ating mga atay  ay ang sentro ng metabolism, pagtatanggal ng harmful excretory waste, ito ay ang sentro ng produksyon ng Bile na nagtutunaw ng taba na ating kinakain, at ito din ay ang nagsisilbing storage area ng Glucose sa ating katawan. Ang Fatty Liver ay isang uri ng kundisyon sa ating Atay na karaniwang nakikita accidentally kapag tayo ay nagpapa-Ultrasound. Normally, ang ating mga atay ay mayroong maliit na taba, ngunit pag ito ay dumami dahil sa iba’t ibang factors, ito ay maaring makita as “Fatty Liver” sa ultrasound.

Ang Fatty Liver or “Hepatic Steatosis” ay may iba’t ibang uri depende sa sanhi nito. Kapag ang isang tao ay mahilig uminom ng alcoholic beverages, sila ay prone magkaroon ng “Alcoholic Fatty Liver Disease” or AFLD, ang simpleng paghinto ng pag-inom ng alak at pagkain ng tama at hindi mataas sa cholesterol ang makakapagtigil dito. Ang isang uri naman ng “Fatty Liver” ay ang “Non-Alcoholic Fatty Liver Disease” or NAFLD, ang rason nito ay hindi pa lubusang nasasaliksik, ngunit ito ay ni-rerelate sa mga factors tulad ng Obesity, Diabetes, pagkain ng sobrang taba, pag inom ng mga gamot tulad ng Steroids at Chemotherapy Drugs, at Pregnancy.

Ang Fatty Liver kapag hindi nahinto ay maaring magdulot ng pamamaga ng atay or Hepatitis, malaon ito ay pupuedeng magsanhi ng peklat sa ating atay o tinatawag na “Liver Fibrosis” at kapag ang damage ay magtuloy tuloy ito ay maaring mapunta sa pag palya ng atay or Liver Failure. Napakaimportante na maalagaan ang ating mga atay dahil sa dami ng ginagawa nito sa ating katawan. Ang paghinto sa mga bisyo, pagkain ng wasto, at tamang exercise ang kailangan natin sa isang malusog na Liver.

Kapag mayroong katanungan ma­aring mag email sa [email protected] o mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com/ Dr-Sam-Zacate-Medicus-et-Legem- 995570940634331/)- Dr Samuel A Zacate

Comments are closed.