ANG GANDANG MARIVELES

edwin eusebio

Ang ganda ng ating bansa… Tunay na katutuwa.

Pasyalan ang mga lalawigan na may angking Biyaya.

Hindi lang ang Boracay ang  pinagpala…

Bayan ng Mariveles…tunay na nakama­mangha!

 

Sa lalawigan ng Bataan… Pilar na bayan…

Naging kanlungan ng mga bayani na sa

Dayuhang mananakop…nakipaglaban!

Bantayog na Krus ng kagitingan…

Ipinatayong parangal ni Pangulong Ferdinand.

 

Ilang kilometro lamang Ang agwat sa ‘di ka­layuan…

Makararating na sa Mariveles, Bataan.

Paraiso pala ito na lihim lamang…

Hindi ipinamamarali upang hindi malapasta­ngan.

 

Sa likas na dibuho ng mga dambuhalang Bato…

Mga yungib o kuweba na bahay ermitanyo…

Kay sarap mamahinga…malamig na totoo…

Huni ng mga Ibon at hampas ng Alon ang maririnig mo.

 

Kaya Pala ganoon na lamang…

Si KaTunying Santos maglibang

Dito sa Mariveles, Bataan…

Paraiso ay matatagpuan.

 

Kaya nga inyo ring pasyalan…

Mga problema ay malilimutan

 

(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ882 am Radio)

 

3 thoughts on “ANG GANDANG MARIVELES”

  1. Thanks for your posting. I also believe that laptop computers have become more and more popular currently, and now are usually the only kind of computer utilized in a household. Simply because at the same time that they are becoming more and more reasonably priced, their computing power keeps growing to the point where these are as powerful as desktop computers from just a few in years past.

Comments are closed.