HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Ngayong Sabado, ating pag-usapan, paano nga ba maaaring magpadala ang ating mga mahal sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa ng kanilang mga remittance sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa Filipinas. Isa sa pinakamabilis at siguradong paraan ay sa pamamagitan ng mga bangko tulad ng Asia United Bank o AUB na may serbisyong katulad ng GINTONG HATID REMITTANCE SERVICE. Narito ang mga remittance service na nabibilang sa Gintong Hatid ng AUB:
1. Kabayan Account at Redi Money Prepaid Mastercard
• Maaaring magbukas ng ATM Remittance card ang remitter o beneficiary sa AUB.
2. Mag-deposit sa Bank Account at Fund transfers
• Mabilis na malilipat ang perang padala sa account ng iyong beneficiary sa AUB at sa ibang bangko. Maaari ring mag-fund transfer sa ibang bangko na miyembro ng Bancnet.
3. Cash Pick-Up
• Puwedeng makuha ang perang ipinadala sa mga sangay ng AUB o alin man sa CASH PICK-Up centers sa buong Filipinas. (M Lhuillier, LBC, Palawan Pawnshops, GCash, CIS Bayad Center)
4. Door-to-Door Delivery
• Mabilis na paghahatid ng pera (Peso) sa tahanan ng iyong beneficiary
5. Bills Payment
• Magbayad ng iyong mga dues sa SSS, Pag-IBIG, Filinvest, credit cards, utilities, and insurance compa-nies.
Nais magpadala ng remittance? maaaring gawin ang mga sumusunod:
1. Magsadya sa alin mang sangay ng AUB Remittance partner sa inyong lugar at tingnan ang listahan sa www.aubgintonghatid.com at i-click ang Tieups.
Siguraduhing palaging dala ang original/ duplicate copies ng valid IDs, gaya ng Passport o Residence Permit.
2. Humingi ng Remittance Form at i-fill up ito. Banggitin na ipadala ang remittance instructions directly sa AUB Manila.
3. Ibigay ang kaukulang padala at ang service fee ng tie-up. Huwag kalimutang kunin ang inyong kopya ng resibo.
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.